VII

685 89 35
                                    



"Hindi mo naman ginustong magkamali ka hindi ba? Sadyang mapaglaro lang ang tadhana, at may mga pagkakataong sinusubukan ka."-Summer


IKAPITONG PAKIKIPAGSAPALARAN

{Pagtaya sa Sariling Buhay}

x-----o-----x


"Raphael, kailangan na nating umalis," pagpapaalala ni Jonas. Nakatoon pa rin kase ang atensyon nito sa prinsesa.


Hanggang ngayon ay hindi mahanap ng binata ang kanyang dila upang makapagsalita. Hindi pa rin siya nakakabawi sa labis na pagkagulat matapos makita ang tunay na anyo ni Nasra.


"Hoy!" Pinilantik na ni Summer ang tainga niya upang sumunod. "Alam mo bang inaantok pa ako? Kung magpapahintay ka ng matagal, at nakatulog ako. Kailangang buhatin mo ako."


"Huwag ka ng dumaldal, Summer. Ito na nga di ba?" Nakasimangot na wika ni Raphael. Isang sulyap pa ang ginawa niya, at tuluyan ng nagpaalam sa prinsesa, at maging sa nasasakupan nito.


"Mimiss ko kayong lahat. I love you, fans!" Tinitigan nila nang masama si Vlad. Ito nanaman kase ang sumira, at nambasag sa malungkot na atmospera ng paligid.


"Vlad, panira ka rin no?" Sumipol-sipol lang ito at hindi pinansin si Jimmy.


"Sana may masasakyan man lang. Nakakapagod maglakad," lologo-logong wika ni Summer.


"Oo nga!" Sang-ayon ni Vlad at umakbay sa kanya.


"Tsk." Palatak ni Jirou sapagkat nagsama nanaman ang dalawang reklamador.


"I'm glad that your okay, Vlad," nakasimangot wika ni Cash.


"Ganyan na pala ang masaya ngayon." Komento naman ni Jimmy.


"Eh... papaano... hindi mo nilulubayan si Cash!" Sagot naman ni Jonas.


"Kailangan mong mag-ingat, Jonas." Napalingon silang lahat sa direksyon ni Juke.


"Mag-iingat ako bunso. Huwag kang mag-alala," bakas man sa mukha ni Jonas ang agam-agam ay pinilit pa ring ngumiti.


Maya-maya ay unting-unting dumidilim ang buong paligid.


Masyadong nakakabingi ang katahimikan ng bawat-isa habang pinagmamasdan ang lahat ng maaring maging banta sa kanilang buhay.


Lahat ay naging alerto habang nagmamasid sa buong paligid.


"Urbem Luna."


"City of the Moon," pagsasaling wika ni Jirou sa sinabi ni Juke. Dahilan upang mapalingon sila lahat dito.

MaceraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon