II

1.5K 111 78
                                    





"Mas maganda ng mamatay na lang ako at magdusa sa impyerno kaysa naman kumitil ng buhay ng iba upang mabuhay lang."- Raphael.



IKALAWANG PAKIKIPAGSAPALARAN

{Orasan ng Paglalakbay}


x-----o-----x


"Whoah!" Napitlag na lamang si Vladimir na nasa isang madilim na bahay na siya. Laking gulat niya nang tumagos siya sa pader, at nakalabas muli roon.


Isa akong multo?! Hindi siya makapaniwala habang tinitigan ang kamay. Pero hindi ako multo. Nalilito pa rin siya.


"Tao po. Tao po," wika ng sarili niya. "Tao po? May tao po ba dito? Magnanakaw lang po ako, nangangailangan lang. Pwede niyo po ba akong papasukin? Ang pangalan ko po'y, Vladimir. Pangako, hindi ko po lilimasin ang laman ng bahay niyo, " patuloy ito sa pangangatok habang sumisinghot-singhot pa ng uhog.


"Ang tanga ko naman pala!" Nasapo niya ang noo dahil sa kahihiyang ginawa noong nabubuhay pa siya. Suot niya ang orasan ng paglalakbay, kung saan binigyan sila ng oras ng reaper na isuot iyon sa totoong sila upang mapigilan ang magiging dahilan ng pagkamatay nila.


Ang piyesa ng orasan ng paglalakbay ay nanggaling mismo kay Kronos na ama ni Zeus, kaya naman napaka makapangayarihan nito.


"Total wala namang tao, at bukas ang bahay", napansin niyang nag-iisip ito, "maglalagay na lang ako ng sulat na nagnakaw ako!" Halos bumagsak ang panga niya sa pagkabigla.


Hanep pre! Ang angking galang katangahan ko! Paninirang puri niya sa sarili.


Umilaw na ang orasan ng paglalakbay. Hudyat na mangyayari na ang magiging kamatayan niya. Tumagos siyang muli sa pader upang makita ang kabilang bahagi. Sa loob ng bahay ay may nag-aabang na isang lalaking nakadroga, at naghahanda itong iputok ang baril kapag bumukas ang pinto.


Dahil nga lulong ito sa droga ay inisip nitong pulis ang lahat ng papasok sa bahay.


Bago pa mangyari ang pagsisihan niya habang buhay ay agad siyang tumagos sa kabila at tumakbo upang humarang sa katawan niya noong nabubuhay pa, at ikinabit ang orasan ng paglalakbay sa leeg ng isa pang Vladimir.


Maya-maya'y nawalan ito ng malay. Dahil hawak niya ang orasan ng paglalakbay ay dinala niya ito sa lugar na pinag-usapan nilang lahat.


Sa isang kisap lamang ng kanilang mga mata ay napunta na sila sa isang liblib na lugar.


"Oh, nandito na ang lahat," nakasimangot na wika ni Raphael. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap ang naging dahilan ng pagkamatay niya.


MaceraDonde viven las historias. Descúbrelo ahora