XIII

428 62 22
                                    




  "Hindi ko nga rin maintindihan ang nangyayari sa akin. Maraming pumapasok sa isip ko na pati mismong kinabukasan ko ay naiisip ko na rin." -Vladimir

IKA-LABINTATLONG PAKIKIPAGSAPALARAN

{Ang Bagong Kalaban}

x-----o-----x


"Ano ang matagal mo ng inililihim sa amin, Cash?" Tanong ni Jonas.

Huminga nang kay lalim ni Cash at hindi alam kung saan magsisimula.

"Siguro mas maganda kung maghahanap muna tayo ng masisilungan at matutulugan ngayong lumalim na ang gabi... mukhang hindi na ligtas dito..." pasulyap-sulyap sa buong paligid si Raphael. "Doon mo na lamang ituloy ang sasabihin mo, Cash."

"Yung mga gamit natin, hindi pa rin nakikita," pagpapaalala ni Summer. "Nandoon 'yung unan ko—aray! Inaano kita, Vlad?!"

"Para naman kaseng nabawasan ng isang parte ang buhay mo!"

"Alam niyo? Kung papapiliin ako ng ililigtas, hindi na ako magdadalawang-isip pa at isasalba ko ang unan ko kaysa sa inyong dalawa na walang tigil sa kakadada!" Hinipan ni Summer ang buhok na bumagsak sa noo.

"Wow... nagsalita ang tahimik." Pabulong sa hangin ni Vlad.

"Unan lang iyon kung ikukumpara sa mga brief kong nandoon," nakasimangot na wika ni Jimmy.

"What?! You're so—"

"Honey, huwag ka ng magsalita." Tinakpan ni Jimmy ang bibig nito. "Mahalaga iyon sa akin iyon bilang lalaki." Tinanggal ni Jimmy ang pagkakatakip sa bibig ni Cash at humakbang sa malaking bato.

Nagsisimula na silang maghanap ngayon ng masisilungan...

"What do you point out? That they are not straight?!" Pagak na natawa si Cash ng itinuloy ang sasabihin.

"Ikaw ang may sabi niyan..." kita ni Jimmy ang matalim na pagkakatitig ng mga kaibigan sa kanya.

"Pwede na ang kwebang iyon!" itinuro ni Juke ang isang kwebang natatakpan ng mga halaman.

Nagmadali silang pumunta doon.

"Hay..." Inilapag ni Jirou ang mga sangang napulot sa kanilang dinaraanan, pagkatapos ay uminat. Ramdam nila ang matinding pagod kanina sa pagharap sa mga golem.

Nagsimula naman si Raphael na palingasin ang mga sangang napulot.

"Kailan kaya ulit ako makakain ng fried chicken?" Biglaang tanong ni Vlad.

"Hindi pa ako nakakain niyan," sabat naman ni Jirou.

"Kapag nabuhay tayo dito... lahat ng gusto niyong kainin ay ibibigay ko! Ililibre ko kayo!" Pangako ni Juke. "Pero ngayon... tiis-tiis muna tayo sa dagang gubat na ito."

"Dagang ano?!" Halos mandiri si Summer sa bagay na itinaas ni Juke.

"Dagang pabebe, Summer. Yung katulad mo! Tsk. Langya, masarap naman iyan." Napasimangot si Juke. "Ang hirap kayang hulihin niyan."

Ang dagang gubat na sinasabi ni Juke ay hindi pangkaraniwang sapagkat may palikpik ito ng isda, may musang ng pusa at may buntot ng isang lion.

Nagsimula ng sumiklab ang apoy na pinalingas ni Raphael kaya pumalibot sila iisa-isa doon upang makaramdam ng init. Napakalamig kase sa labas.

MaceraWhere stories live. Discover now