XVI

416 48 16
                                    



  "Hindi ako maaring lumayo sayo, Vlad. Ang paglayo mo ang maaring maging sanhi ng paghina ko."-Dale  

IKALABING-ANIM NA PAKIKIPAGSAPALARAN

{Kanyang Katauhan}

"Nasaan na tayo?" Kanina pa sila lumilinga-linga sa buong paligid. Nawawala ng sinusundan nilang bakas ng isang ilaw.

"Bakit nawala? Alam kong tama ang dinadaanan natin," takang-taka na si Jimmy.

"Just swag dude, take it easy." Kalmanteng wika ni Summer. Siya ang may hawak ng kalahating pirasong katawan ni Raphael na ibinalot sa isang dahon na kasing laki ng tao. Ipinulupot iyon sa baging upang gawing bag. Ang kalahati naman ay na kay Jimmy.

"There it is!" Hinabol ni Cash ang bakas ng mumunting ilaw na nagtuturo ng isang daan. Nagsisunuran naman ang iba pa.

"Whoah!" Manghang wika ni Jonas. Ito na talaga ang masasabi niyang magandang nangyari sa buhay niya: ang mapadpad sa kakaibang lugar. Isang misteryo ang bawat pupuntahan. Higit sa lahat ay animo'y nagiging isang ignorante sa lahat ng bagay. Ang akala niya ay hanggang sa mga libro niya lamang ito mababasa. Ngunit nagkamali siya. Kung hindi pa siya mamatay ay hindi niya pa matutunghayan ang ganitong bagay. Napasaklap lang ngunit may katotohanan.

Narito sila ngayon at nasa gitna ng walong tulay na kung saan ay hindi alam ang patutunguhan.

"Sandali!" Pigil ni Jonas. Mapangahas na tatapak sana si Summer sa isa sa mga tulay na iyon.

Sinalat ni Jonas ang kahoy ng tulay.

"Ano?!" Inis na tanong ni Summer. Hindi naman sumagot si Jonas at humarap lamang kay Cash.

"Do you know what is this, Jonas? The hell! This bridge is getting me crazy. Something is freaking me out. I feel the severe energy... the bad power that flows in every track..."

Dumungaw si Jimmy at Summer sa baba ng makapal na kulay berdeng hamog.

Kinikilabutan sila sa mga panaghoy at pagdurasang naririnig sa ibaba.

"Ito na yata ang sinasabi nilang itaas na Underworld." Pahayag ni Cash. "May lagusan din dito papunta doon ngunit hindi ko alam kung sigurado. Ngunit alam kong mapanganib." Nagpaikot-ikot si Cash sa gitna ng tulay habang nag-iisip.

"Summer, yumuko ka," utos ni Jonas. Hindi naman nagtanong ang binata at yumuko naman. Laking gulat niya nang sumampa sa kanyang likuran si Jonas. "Itaas mo," utos muli ni Jonas.

"P*tang*na, ginawa pa akong tungtungan. Bakit hindi na lang si Jimmy?!" Inis na anas ni Summer.

"Tss... you're not using your brain, Summer. Look at him... baka mas lalong walang makita si Jonas."

"Ay grabeh siya oh." Umaktong sumasakit ang puso ni Jimmy. "Kahit papaano mas matangkad naman ako sayo Cash. Ngunit bakit ganoon? Ang hirap mong abutin... tanaw kita ngunit hindi kita kayang yakap—aray! Biro lang naman, Sweetheart!" Ang kaawa-awang Jimmy, isang dagok nanaman ang natikman mula sa babaeng nagugustuhan.

"Geez... you're creeping me out!" Animo'y kinikilabutan naman si Cash.

"Alam ko na!" Tuwang-tuwang wika ni Jonas at bumaba na sa pagkakatungtong kay Summer.

"Thank you." Nakasimangot na wika ni Summer.

"You're welcome, dude." Nakangiting wika ni Jonas. "The planks are in Ba Gua shape."

MaceraWhere stories live. Discover now