02. Sad Goodbye >

Começar do início
                                    

"Ikaw muna bahala sa mga kapatid mo anak ah? Sumunod kayo bukas sa ospital" ani Nanay at umalis na sila.

Labis labis ang takot ko,si Tatay? Pwedeng mawala sa amin? Hindi pwede! Mahal na mahal namin si Tatay.

Kaya ng gabing iyon ay ay niyakap ko ang mga kapatid ko sa pagtulog. At ng magising ako kinabukasan,pinaghandaan ko sila ng nilagang saging at tsokolateng natural galing sa cocoa bilang almusal. Pagkatapos nun ay sabay sabay kaming naligo sa ilog dahil isasama ko sila sa bayan sa pagtitinda pagkatapos ay pupunta sa ospital,hindi ko naman sila pwedeng iwanan sa kubo.

Bago mag alas quatro ay naubos ang paninda kong gulay,naka two hundred fifty pesos din kami,sabi ko kina Buboy at Caloy ay papasok muna kami sa pinaka loob ng palengke,papakainin ko sila,may murang karendirya kasi doon. Ng mapadaan kami sa bigasan ni Nang Alicia ay tinawag ako nito.

"Alam ko nangyari sa Tatay nyo,pupunta ba kayo sa ospital?" anito,malungkot akong tumango,tahimik lamang na nagmasid ang mga kapatid ko. Pumasok sa tindahan si Nang Alicia at parang may Volt na binuksan at may kinuha sya dito.

"Oh eto,tulong ko sa inyo,bente mil yan,yung sampung libo pandagdag bayad sa ospital,at yung natitirang sampung libo ay gamitin mo sa pagpunta sa Manila,maghanap ka ng trabaho doon,eto ang address ng isa sa mga pamangkin ko doon" nagulat ako syempre,hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lamang si Nang Alicia sa amin,napaka baet nya.

"Ho? Bakit po? Bakit ako pupunta sa manila?" taka kong tanong. Ngumiti sya.

"Pagtanaw yan ng utang na loob sayo at sa mga magulang mo,kung hindi dahil sa kanila,hindi magiging kami ng asawa ko at hindi ako magiging maligaya,nagpunta kami ng asawa ko kanina sa ospital at kinausap ang Nanay mo,plinano na namin ang lahat,pupunta ka sa Manila para magtrabaho at makatulong,at sa bahay na muna titira ang pamilya mo"

Hindi ko na namalayang naiyak na pala ako,masyado akong na overwhelmed sa kabaitan ni Nang Alicia,hindi ko lubos maisip na sadyang may mga ganito pang tao sa mundo.

"Maraming salamat po"

"Huwag kayong umiyak,ayaw ng mga magulang nyo na ganyan kayo" ani Nang Alicia at nagpahid ng luha,doon ko napansin na tahimik na lumuluha sina Buboy at Caloy,parang pinipiga ang puso ko.

"Tinawagan ko na pamangkin ko,bukas ka aalis at sa isang araw ang dating mo,nabilhan ka na ng asawa ko ng ticket sa barko,kaya huwag mong iwala yang address na yan,nakasulat din dyan ang telephone number ng pamangkin ko" anito at niyakap kaming tatlo,walang humpay ako sa pasasalamat dito. Balang araw makakabawi din ako.

Pumunta kami sa ospital,agad kong tinanong sa Nurse station kung saan ang kwarto ni Tatay. "Miss,Janus Pantoja po,anong room?" agad naman itong sinabi sa akin,nagmamadaling tinungo namin ang kwartong iyon,pagbukas pa lang ay nabungaran na naming umiiyak pa din si Nanay,at si Tatay naman wala pa ding malay.

"Tatay!" sigaw at iyak nina Caloy at Buboy at tumakbo palapit kay tatay,ako naman ay napaiyak na naman.

-----

Pinag usapan namin ni Nanay ang lahat lahat,mabuti at ligtas na si tatay,mga bali sa buto at bagok sa ulo ang natamo nya pero malayo na sya sa kapahamakan. Pati ang plano nila ni Nang Alicia ay pinag usapan namin,kahit parang mabigat sa dibdib ang isiping iiwanan ko sila ay kailangan ko magtiis. Para sa kanila naman ang gagawin ko.

Kinabukasan ay nasa ospital lahat kami,pati sina Nang Alicia at Nong Berto na asawa nya. Nakahanda na ako sa pag alis,ihahatid ako ni Nong Berto,isang bag lang ang dala ko,mga damit at konting personal na gamit.

Ang bigat sa dibdib ng eksena ng pagpapaalam ko,parang sasabog ang dibdib ko,ayaw ako bitawan nina Buboy at Caloy,nagwawala na sila,si Nanay naman ay niyakap at hinalikan ako sa labi.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora