"Oo nga, tsaka tumigil ka nga muna Lyndi!" Si elayza naman.

"Sus! Yung mga ganyang tipo ni Sir Zach, hindi magseseryoso sa isa...tsaka crush lang naman, hindi ko naman sinabing aagawin ko!" Natatawang sabi niya pero siya lang ang natawa. Halos lahat kasi kami ay napatahimik dahil duon.

I need a break kaya naman, nagpaalam na muna ako. "Cr lang ako" paalam ko sa mga ito ng di ko sila nagawang tingnan.

"Sama ako!" Habol ni rea at hinayaan ko siyang sumunod sa akin.

Patungo akong medicine building, maganda kasi ang cr duon at pangsosyalin. Wala gusto ko lang maiba ngayon.

"Himala at hindi tayo sa pjp nag cr ngayon" natatawang sabi ni rea.

Di ako umimik, nanatiling tinitingnan lamang ang aking imahe sa malaking salamin.

"Hoy..." malumanay na kalabit sa akin ni rea.

"I'm over acting" di iyon tanong kundi isang pahayag.

Nanliit ang mata ni rea at tsaka kumunot ang noo. "What are you talking about?" Tanong niya. Di ko alam kung wala ba talaga siyang alam o gusto niyang sa akin manggaling ang lahat.

"Hindi naman masama na magkaCrush din yung kaibigan mo sa crush mo diba?" Naiilang na tanong ko sa kanya.

Kumalma ang kanyang mukha. "Di naman masama...but mukha kasing hindi crush lang ang meron sa inyo ni sir Zach, may mas malalim pa..." sabi niya na ikinagulat ko.

"Paanong..."

Napahalukipkip ito at sumandal sa pader, kita ko pa rin naman siya sa salamin kaya duon ko na lamang siya tiningnan. "Halata namang gusto ka talaga niya" pasimula niya.

"Pustahan nga tayo, ipagpapalit niya ang position niya dito sa school para lang sayo" paninigurado nito.

Napalunok ako at tsaka na siya hinarap ngayon habang nakasandal ako sa sink.

"Yon ang ayokong mangyari...kaya nga hindi ko na alam ang gagawin ko eh" problemadong sabi ko.

"Ayaw mo kasing aminin na gusto mo din siya!" Point out niya.

Napailing ako. "Hindi ko siya gusto..." mahinang sabi ko na para bang sarili ko ang kinukumbinsi ko at hindi si rea.

"Gusto mo siya, Sofia Nicole Hernaez. Gusto mo siya" madiing pagpapaintindi nito sa akin.

Di na ako sumagot pa at hinayaan ko ang aking sariling makipagtitigan sa sahig."Teka, cubicle lang ako" paalam ni rea sabay pasok sa isa sa mga cubicle.

Maya maya ay bumukas ang pintuan ng cr. Napaayos ako ng tayo ng makita kong si cristine iyon kasama si jochelle.

"Bakit ayaw mong pumasok?" Tanong niya sa taong di ko naman kita dito. Nasa labas pa rin kasi sila at nakabukas lang ang pinto.

"Hoy tara na" yaya naman ni jochelle dito.

Pero nakarinig lang ako ng pagtakbo pababa. At lalo akong nakaramdam ng takot at kaba sa isinigaw napangalan ni cristine.

"Lyndi!" Tawag niya dito.

"Problema nun?" Nagtatakang tanong niya, at pumasok na lamang sa isa sa mga cubicle.

"Baka katext nanaman si Sir Kenji  hawak nanaman ang cellphone eh" kwento ni jochelle.

Maya maya ay lumabas na si rea sa cubicle. "Hoy! Anyare sayo mukha kang natatae ah!" Natatawang asar niya sa akin.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now