Kabanata 41

789 40 23
                                    

41.
Farrah

"Sabel, may bisita ka!" rinig kong sigaw ni Papa mula sa labas ng kwarto ko, habang kinakatok ang pinto.

Pupungay-pungay akong bumangon. Kinakapa ko ang tsinelas gamit ang isa kong paa. Inaantok pa ako, parang gusto kong itapon ulit ang katawan ko sa aking kama.

Sino na naman kaya 'yang bisita ko raw? Wala naman akong inaasahan na bisita ngayong araw.

"Maghihilamos lang po ako saglit, Papa!" I responded. Halata sa boses ko na tamad na tamad pa akong lumabas. Plano ko pa naman sanang matulog lang buong magdamag.

"Dalian mo riyan, Sabel. Kanina pa rito si Kerensa!" Mabilis na nawala ang antok ko nang marinig ko ang pangalan na binanggit ni Papa.

Kung kanina hirap na hirap akong imulat ang mga mata, ngayon para na itong luluwa dahil sa gulat ko.

Kerensa, ano na namang pakulo mo ngayon?

"W-Wait lang po!" Dali-dali kong sinuot ang tsinelas na kanina ko pa kinakapa. Pumasok ako ng cr at agad na nanghilamos. Isinabay ko pa ang pag to-toothbrush.

Natataranta akong naghanap ng masusuot, sa gitna ng paghahanap ko bigla akong may napagtanto kaya huminto ako sa ginagawa ko.

Sabel, anong ginagawa mo? tanong ko sa sarili. Bakit natataranta ako? Bakit nag-aayos pa ako? Eh, si Kerensa lang naman 'yon.

I slapped myself to snap out of the daze I had fallen into. My mind was consumed with thoughts of Kerensa. Ano bang pakealam ko kung binibisita n'ya ako ngayon? I should not give a damn. 

Pinunasan ko na lang ng tissue ang aking mukha at hindi na ako nagpalit ng damit. Pagbukas ko pa lang ng pinto rinig na rinig ko na ang tawanan nina Tatay at Kerensa sa sala. Close na close pa rin ang dalawa.

Dahan-dahang sinara ko ang pinto. I maintained a straight face habang naglakakad papunta sa sala, pero sa loob-loob ko ay pilit na kinakalma ko ang aking sarili. Iniiwasan ko ring magtama ang paningin naming dalawa ni Kerensa, dahil ayokong mapansin n'ya na kinakabahan ako.

Una akong napansin ni Tatay. "Good morning, apo. May bisita ka ulit." Malawak ang ngiti sa labi n'ya habang binabati ako.

"Good morning po, Tay," bati ko pabalik. Hindi ko napigilan ang sariling mapasulyap sa babaeng kaharap ni Tatay ngayon. Nanlaki pa ang aking mga mata dahil nakatingin na rin pala ito sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na pansinin ang ayos nito. She's wearing a basic white shirt with a jacket tied around her neck and simple jeans.

Simple lang pero bakit pag si Kerensa ang nagsuot ay nagmumukhang elegante?

"Hi, beautiful. Good morning," nakangiting aniya. Kerensa's smile is so warm that it melts me. I don't want to admit it, but I can't stop staring at her. Feeling ko nag-iinit ang mukha ko ngayon.

Gising, Sabel! Huwag magpapadala sa mga ngiti n'ya.

Bigla akong nahimasmasan kaya iniwas ko kaagad ang tingin kay Kerensa. Narinig ko naman ang pagtawa ni Tatay dahilan para mapatingin ako rito.

"Tatay, wala pong nakakatawa," nakangusong sambit ko. Siguro nakita n'yang namula ang mukha ko.

"Pasensya na apo, hindi ko lang mapigilang matuwa sa inyo ni Kerensa," saad n'ya, hindi parin rin mawala-wala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Osya, may gagawin pa pala ako, asikasuhin mo na ang bisita mo."  Bigla s'yang tumayo, kaya napatayo rin si Kerensa.

Married To A Roferos [Roferos Series #2]Where stories live. Discover now