Kabanata 16

1.1K 49 14
                                    

16.
Farrah

"Kam, okay ka lang?" Pansin kong kaninang umaga pa siya tahimik. Naninibago ako sa kaibigan ko. Kahapon no'ng nasa Dencio kami, nauna siyang umuwi sa amin. Hindi niya sinabi sa akin ang dahilan kaya nag-aalala ako sa kanya ngayon.

Isang tipid na ngiti lang ang tangi niyang tinugon. Hindi ako sanay na ganito siya katahimik.

"Kamara Dovika Roferos, alam kong hindi ka okay." Umusog ako papalit sa kanya at inihilig ang ulo sa balikat niya. "Mag best friends tayo, pwede mong i-share sa akin kung anong problema mo."

Huminga siya ng malalim, saka ko naramdaman ang paghaplos niya sa ulo ko.

"I'm fine, Sabel. Kulit mo." Bahagya siyang tumawa bago alisin ang kamay sa ulo ko.

"Eh, bakit nagmamadali kang umuwi kahapon?" Pangungulit ko ulit.

"Umuwi kasi di ba, si Daddy. 3 days lang siya mag istay sa San Carmen, kaya medyo nalungkot ako."

"Iyon lang ba talaga ang dahilan?" Hindi parin ako kumbinsido sa sagot niya. Bakit feeling ko may mas malalim pang pinaghuhugotan ang pananahimik niya ngayon.

"You're so makulit, Sabby. Oo nga, iyon lang." Natatawa niyang tugon.

Umayos ako ng upo at tumingin ako sa mga mata niya.

"What?" Medyo maaliwalas na ang itsura ni Kam ngayon, kaysa kanina.

"Wala, sinisigurado ko lang na nagsasabi ka ng totoo."

Natawa siyang muli, "Change topic na nga. How was your honeymoon with Kerensa? Tingin mo ba nai-inlove na ang pinsan sa 'yo?"

Mahinang nahampas ko siya sa balikat kaya napa-ouch siya dahil do'n.

"Para saan 'yon?" Naka-pout na tanong niya, habang hinihimas ang balikat.

"Shh...baka may makarinig sa 'yo. Nandito pa naman tayo sa library."

"I'm sorry po, 'di na mauulit." Tinaas pa niya ang right hand niya, bago itikom ang bibig.

Ako naman ang natawa, "Kamara, hindi 'yon honeymoon."

"Honeymoon 'yon, kasama nga lang kami ni Wilhelmina." Aba, siya naman ngayon ang makulit.

"Speaking of Mina, saan pala kayong dalawa nagsususuot no'ng nasa Dencio tayo?" Iniba ko na ang topic, ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa amin ni Keren.

"Kung saang rides at activities kayo nagpunta, do'n din naman kami."

"Totoo? Hindi namin kayo nakita."

"Yes, nakita pa nga namin kung gaano kayo ka sweet do'n sa hanging bridge."

Namilog ang mata ko at hindi makapaniwala siyang tiningnan. "P-Paano niyo kami nakita, eh, naghiwa-hiwalay na tayo no'n."

"Nakita ko rin kung paano mo siya yakapin after niyo mag dropzone." Namula ang cheeks ko sa hiya kaya agad kong tinampal-tampal 'yon.

Married To A Roferos [Roferos Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon