Prologo

3.6K 86 12
                                    


"Whether you like it or not, magpapakasal ka kay Kerensa Roferos. Huwag mo akong ipahiya, Sabel. Sa gano'ng paraan ka na lang makakabawi sa pagiging kahihiyan mo sa pamilya natin." Ang paulit-ulit na paalala sa akin ni Mama.

Malungkot na pinagmamasdan ko ang babaeng nakatakda kong pakasalan.

Si Kerensa Viviette Roferos, she's the 2nd daughter of Don Jowelo and Doña Maribela—ang nagmamay-ari ng buong San Carmen. Kilala ko na siya simula no'ng mga bata pa lamang kami dahil matalik na magkaibigan ang mga lolo namin. Hindi kami close noon, kaya laking gulat ko nang malamang siya ang ipapakasal sa akin.

Abot hanggang mata ang ngiti ni Kerensa ngayon, habang nakikipagharutan sa kasintahan. Nasa loob sila ng isang coffee shop, at halatang masaya sila sa isa't- isa. Hindi pa nila siguro alam ang tungkol sa kasal namin.

Kaya ko ba siyang pakasalan? Knowing na makakasakit ako ng ibang tao. Pero kapag hindi ko 'yon ginawa, madi-disappoint naman sa 'kin si Mama. At ayokong mangyari 'yon. Ilang taon na akong disappointment sa pamilya ko, 'di ko na 'yon hahayaan pang magpatuloy.

I'm sorry, Kerensa. Ngayon pa lang kinakain na ako ng konsensya.

Tumalikod na 'ko at akmang aalis na, ngunit bigla namang may humila sa palapulsuhan ko dahilan para mapangiwi ako sa sakit.

Nang bitawan ako nito'y isang malakas na sampal naman ang dumapo sa kaliwang pisngi ko. Hindi pa siya na-kontento, tinulak niya ako kaya napaupo ako sa semento.

Napahawak ako sa pisngi. "Z-zia?" utal na pagbanggit ko sa pangalan niya. Galit na galit ang mukha niyang nakatingin sa akin ngayon. Tila kulang pa ang pagsampal at pagtulak niya sa 'kin.

"Paano mo nagawang pumayag sa kasunduan na 'yon, Sabel?!" Galit na asik niya.

Paano niya nalaman?

"Oh my gosh! Why the fuck did you do that, Letizia?!" rinig ko ang boses ni Kamara na nagmumula sa likod ko.

Inalalayan ako nitong makatayo. "Are you okay, Sabel? Gosh, anong nangyari sa wrist mo? Bakit puno ng cuts 'yan?" Binaling nito ang tingin kay Zia. "Ginawa mo rin ba 'to sa kanya?!"

Nag-iwas lang ako ng tingin. Nanghihina ako. Ayoko ng ganitong confrontation, nakaka-suffocate.

"Hindi ako ang gumawa niyan sa kanya! Teka, kinakampihan mo ba ang snake na 'yan, Kam?!"

Snake?

Ahas ba talaga ang tingin niya sa akin?

"Stop calling her that! Kaibigan natin si Sabel. Paano mo nagawang saktan siya, Letizia?!"

Hindi parin mawala ang galit sa mukha ni Zia. Naikuyom pa niya ang kamao. "No! Wala akong kaibigan na ahas!"

Yumuko ako. "S-sorry." iyon lang ang nasabi ko. Nagsimula naring tumulo ang mga luha ko.

"Tandaan mo 'to, Sabel! Hinding-hindi ka mamahalin ni Kerensa at habang-buhay kang hindi magiging masaya! Mark my words." banta niya, bago siya umalis.

Pati kaibigan ko'y ayaw narin akong maging masaya. Bakit, Letizia? Deserve ko ba talaga 'to?







***

Good morning? Binago ko po ang prologo nito. Di po kasi tugma 'yong nauna.

Married To A Roferos [Roferos Series #2]Where stories live. Discover now