Kabanata 08

1.1K 46 15
                                    

08.
Farrah

Walang ganang bumangon ako mula sa pagkakahiga. Tinungo ko ang terrace at naupo sa isa sa mga rattan chair.

Pumikit ulit ako at hinayaang lumipad ang isip ko sa mga nangyari kagabi.

Hindi ko inasahan na pupuntahan ako ni Kamara. Hinatid niya pa ako dito sa mansyon. Hindi niya ako iniwanan hanggang sa nakatulog na lang ako. Nalaman ko na lang na umalis na siya no'ng magising ako kaninang madaling araw, dahil wala na siya sa tabi ko. Nag-text din siya, sabi niya lang ay nakauwi na siya.

Hindi ko na rin nagawang mag text pa kay Kerensa, wala rin naman akong natanggap na text mula sa kanya. Siguro magkasama sila buong gabi ni Dinny.

Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Dinny. Sa bawat bitaw niya ng mga salita kagabi pakiramdam ko'y may tumutusok sa puso ko.

Kahit kasal kami ni Kerensa, pagmamay-ari siya ni Dinny. Iyon dapat ang lage kong tatandaan.

Siguro kailangan ko ng umiwas sa kanya. Pwede ko naman gawin 'yon. Kasal lang naman kami kapag kasama namin ang pamilya namin. Hindi naman siguro mahirap na gawin 'yon.

Idinilat ko ang mga mata at tumingin sa kawalan.

Ang hirap maging ako. Nakakapagod.

Nagitla ako nang may biglang kumatok.

"Señorita Sabel? Gising na po ba kayo?" Si Wilhelmina, nakahanda na siguro ang almusal.

"Oo, Mina!" tugon ko. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan 'yon.

Bumungad sa akin ang nakangiting si Mina. 

"Magandang umaga po, Señorita," bati niya, may dala siyang isang tray na may lamang pagkain at tubig. "Ito na po ang ni-request niyo sa akin kagabi."

Kamuntik ko ng makalimutan na sinabi ko nga pala sa kanya na dito ako mag a-almusal sa silid ko. Dahil ayokong makasabay si Mama at si Adella, ang half-sister ko.

"Salamat, Mina."

Pinalagay ko ang pagkain sa lamesa.

"Siyanga pala señorita," habol niya bago makalabas ng pinto. "Pinapasabi po ni Don Ismael na may pag-uusapan daw po kayo mamaya, kasama po si Señorita Kerensa."

Bigla akong kinabahan. Ngayon ko na lang ulit makakausap si Lolo at kasama pa talaga si Keren.

"Sinabi ba niya sa 'yo kung tungkol saan?" Umaasa ako na kahit papaano'y sinabi ni Lolo kay Mina ang pag-uusapan namin mamaya. Para naman magka-ideya ako, ayokong mag overthink.

Umiling siya. "Nako, sorry po pero wala po siyang sinabi."

Napabuntong-hininga ako. Mas dumoble yata ang kaba ko.

"Sige, Mina. Thank you ulit." Tipid na ngumiti ako rito, bago niya tuluyang lisanin ang silid ko.

Paano ko pa iiwasan nito ang asawa ko kung magkikita na naman pala kami ulit mamaya.

Married To A Roferos [Roferos Series #2]Место, где живут истории. Откройте их для себя