Kabanata 12

1.1K 58 7
                                    

12.
Farrah

"Tazz?" Kalalabas lang galing sa kusina ni Kerensa nang maabutan niya kami ni Tasia na nagku-kwentuhan dito sa sala.

Tipid na ngumiti si Tasia sa kapatid, "Hi, Ate." Tumayo siya at nakipag-beso beso rito.

"Hi, Tazz. Kanina pa ba kayo magkasama ni Sabel?" Tanong niya habang seryoso ang tingin sa amin ni Tasia.

Parang nag-iba ang awra ni Keren ngayon, nakakapanibago.

"Yes, kanina pa. Kumain lang kami ng ice cream, after no'n hinatid ko na si Sabel dito." Sagot ni Tasia na seryoso rin ang tingin sa kapatid, saka ito bumalik sa pagkaka-upo nito sa sofa.

Hindi ko pala nasabi sa asawa ko na kasama ko ang kapatid niya kanina. Nakalimutan ko rin ang cellphone ko kaya hindi ko siya nagawang tawagan.

Ihahatid lang dapat ako ni Anastasia, pero dahil pa-gabi narin inaya ko na siya na dito na mag dinner sa bahay at pumayag naman siya.

"I see. Anim na oras talaga kayong kumain?" Nabigla ako sa tanong ni Kerensa. Parang may something sa tanong niya, o baka feeling ko lang 'yon?

Hindi nakatakas sa akin ang palihim na pagngisi ni Tasia.

Okay? Para saan 'yon?

Mukhang wala itong balak na sagutin si Kerensa. Kaya ako na ang sumagot, "Napasarap lang ang kwentuhan namin, Keren. Last month pa noong huli kaming magkita, e."

Totoo lahat ang mga sinabi ko. Sa sobrang dami naming napag-usapan kanina, hindi na namin namalayan ang oras.

"She's right. Isa pa, mukhang malungkot kanina si Sabel kaya naisipan ko ring samahan muna siya." Sinamaan ko ng tingin si Tasia.

"What?" mahinang anas niya sa akin, bago binalik ang tingin sa kapatid.

"Why? Nagseselos ka ba, Ate?" Dagdag-tanong ni Tasia dahilan para kumabog ang dibdib ko.

Gusto ko na lang maglaho ngayon. Ako 'yong nahihiya sa tanong nito kay Keren. Ramdam ko na nagpapawis ang mga kamay ko.

Hindi ko na binalak tingnan ang reaksyon ng asawa ko. Yumuko na lang ako at kinurot-kurot ang sarili.

Alam ko na hindi siya magseselos, pero bakit may parte sa puso ko na umaasang makakaramdam ng ganoon si Kerensa.

"Anastasia—" Sasagot na dapat siya, ngunit hindi natuloy 'yon nang bigla siyang tawagin ni Dinny.

"Hon?" Inangat ko ang ulo at nakita si Dinny na pababa ng hagdan.

Saglit ako nitong tiningnan bago ilipat ang tingin sa katabi ko.

"Your beautiful sister is here pala. Hi, Anastasia!" Bati nito. Kung sa akin ay parang wala itong nakita, kay Tasia abot langit ang mga ngiti nito.

Habang si Tasia naman, iwinagayway niya lang ang kanyang kamay sa tamad na paraan.

Nang makababa kumapit agad ito sa braso ng asawa ko.

Married To A Roferos [Roferos Series #2]Where stories live. Discover now