Kabanata 06

1.3K 56 5
                                    

06.
Farrah

"Huwag mong pansinin 'yong mga narinig mo kanina. Maganda ka, Sabel."

Pakiramdam ko uminit ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi ni Kerensa.

Inaamin kong kinilig ako do'n pero mabilis din 'yong nawala nang sumagi sa isipan kong baka sinabi niya lang 'yon dahil naawa siya sa akin. Knowing Kerensa, alam kong ayaw niya lang mas bumaba ang tingin ko sa sarili.

"Saan ba tayo pupunta, Keren?" tanong ko nang inistart niya ang makina ng sasakyan.

Sumulyap siya sa akin at ngumiti. "Malalaman mo rin pag dating natin do'n."

Wala akong ideya kung saan ako dadalhin ng asawa ko. Pero ang sabi niya naman ay magugustuhan ko roon. Siguro isa sa mga napuntahan na namin 'yon noon.

Medyo malayo rin ang binyahe namin, nakatulog pa nga ako. Hindi ko malalaman na nakarating na pala kami kung hindi pa ako ginising ni Kerensa.

Madilim na rin sa labas. Napatingin ako sa relo ko. 4:30 kami umalis, dumating kami ng 5:45 sa lugar na sinasabi niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagkababa ko'y nilibot ko ang tingin sa paligid.

Sa harap namin ay may isang floating restaurant, puno ito ng mga ilaw sa taas. Alam ko ang lugar na 'to, naging tambayan ko ito noon sa tuwing gusto kong makita ang ilog.

"Naaalala mo ba ang place na 'to, Sabel?" tanong niya bigla.

Tumingin ako sa kanya at nginitian siya. "Oo, ang ganda parin dito." Masaya ako dahil dito niya ako dinala. Masasarap pa naman ang mga pagkain nila.

Pero paano nalaman ni Kerensa na gusto ko ang lugar na 'to?

Kumunot ang noo ko nang muli siyang tingnan.

Ngumiti siya. "Alam ko ang iniisip mo. Tinanong ko si Tatay kung saan ang paborito mong lugar. He said na dito sa Riverside."

Si Tatay talaga, alam niya kasi na ang Riverside ang isa sa mga paborito kong puntahan. Lahat ng gusto ko alam niya. Mas kilala pa ako ni Tatay kaysa kay Mamá, kahit hindi ako sa kanya lumaki.

"Kailan mo naman tinanong si Tatay?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Last night. Inisturbo ko pa talaga ang Tatay mo." Natatawa niyang sagot.

"Kausap ko siya kanina, 'di niya man lang sinabi na tumawag ka." Kinakamusta niya kasi ako. Kaya pala nalaman niya ang tungkol sa nangyari sa tuhod ko.

"I actually told him na huwag sabihin sa 'yo na tumawag ako. Siyempre secret muna namin 'yon."

Napapailing na lang ako.

Close nga pala si Kerensa sa Tatay ko. Minsan nga napapatanong ako kung sino ba talaga ang apo niya sa aming dalawa.

"Wait, Sabel!" Huminto ako sa paglalakad nang bigla siyang humarang sa harapan ko.

Nagsalubong ang mga kilay ko. May problema ba?

"I forgot na ilagay 'to sa mga mata mo." May hawak na siyang puting panyo. "Or pikit ka na lang kaya?"

Dali-dali naman akong pumikit. Mas okay na 'to kaysa sa may piring ang mga mata ko. May tiwala naman ako kay Kerensa, pero 'di ko maiwasang mag-isip na baka may biglang tumulak sa akin.

Bahagya siyang natawa sa ginawa ko. "Basta promise me na hindi ka didilat hangga't hindi ko sinasabi na pwede na."

Tumango ako. "Promise."

Married To A Roferos [Roferos Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon