Kabanata 31

1.2K 52 24
                                    

31.
Farrah

Buong gabi akong umiyak dahil sa nalaman ko na pinirmahan na ni Kerensa ang divorce papers namin, kahit alam ko naman na talagang gagawin niya iyon.

Kasalanan ko, umasa parin kasi ako na hindi niya iyon pipirmahan dahil sa sinabi niyang wala siyang plano na hiwalayan ako. Ang tanga ko lang na naniwala pa ako sa kaniya. Siguro ngayon, nagdiriwang na silang dalawa ni Dinny dahil wala ng balakid sa pagmamahalan nilang dalawa. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi na siya nagpapakita, at nagpaparamdam sa akin.

These past few weeks, si Kerensa na lang palagi ang nasa isipan ko. Lumuha na ako ng ilang balde at nagkasakit pa dahil sa kakaisip sa kaniya. Ngayon, napagtanto ko na sarili ko naman dapat ang isipin at unahin ko. Una pa lang, dapat mas inuna ko na ang sarili ko.

"Sisimulan ko ng kalimutan si Kerensa," desididong anas ko sa sarili.

Kung kaya nilang dalawa na maging masaya, kaya ko rin iyon. Hindi pupwedeng sila lang ang masaya, ako iyong mas nasaktan sa amin kaya mas deserve ko ang sumaya.

"True na po ba 'yan, Señorita?" biglang sabat ni Mina, kasama ko nga pala siya rito sa silid ko ngayon. Binabantayan niya ako simula pa kagabi, utos iyon sa kaniya ni Kamara dahil takot itong may gagawin ako sa sarili ko.

Ngumiti lang ako habang tumatango-tango.

Alam kong hindi madali, pero pipilitin ko.

"Ay! Support kita sa pagmomove-on mo, Señorita!"

"Kahit gusto ko na kayo ang maging endgame ni Señorita Kerensa, kung hindi niya naman po kayo kayang mahalin ng totoo, wag na lang. Mas importante parin po sa akin ang kaligayahan niyo, Señorita."

"Salamat, Mina"

Pumikit ako at huminga ng malalim. Pag dilat ko muli ng mga mata ko'y pinahid ko ang luha sa pisngi ko.

One step at a time lang, Sabel. Darating ka rin do'n.

....

Magtatanghali na nang tumawag ang doctor ko, ang sabi niya ay pwede na akong lumabas kaya napagpasyahan kong makipagkita sa mga kaibigan ko.

Sinundo ako ni Kamara at nauna kaming dumating sa restaurant kung saan kami kakain ng lunch. Timing naman na pagbaba namin ng sasakyan ay nag text si Tasia na malapit na siya kaya hinintay na lang namin siya rito sa labas.

"You're late, Anastasia Ellisse!" Pabirong bungad ni Kamara kay Tasia na kalalabas lang ng sasakyan.

"Shut up," walang ganang sagot lang nito sa kaibigan ko. Mukha itong pagod, three days straight kasi itong naglaro ng volleyball.

"Oh, ba't naka-sunglasses ka? Wala namang araw, cloudy ngayon girl." Natatawang puna niya pa rito, dahilan para tanggalin nito ang suot na sunglasses at iipit sa suot na tube.

"Happy?"

Tumatawa lang si Kamara nang biglang may magsalita. Hindi ko napansin na nakababa pala ang window sa passenger side, at naroon ang nakatatandang kapatid nila Kerensa, si Ate Francesca.

Married To A Roferos [Roferos Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon