Kabanata 18

1K 52 17
                                    

18.
Farrah

TW: R*pe

"Si Señorita Sabel ang bunga ng panggagahasa ng isang magsasaka kay Doña Isabella," ang laging bukambibig ng mga katulong namin noong bata pa lamang ako.

Lumaki akong nakatanim sa isipan ko na nabuhay lang ako dahil sa isang pagkakamali. Inaamin kong 'yon ang dahilan kung bakit malayo ang loob ko kay Papa. Kahit hindi ko alam kung ano talaga ang totoo, dahil never nagsalita si Mama patungkol sa usapan na 'yon, maski si Papa ay nananahimik lang din. Pero sa paraan ng pagtrato sa akin ni Mama, parang nasagot narin ang katanungan sa isipan ko.

Naging isang malaking kahihiyan ako sa pamilya namin. Pakiramdam ko para akong isang dumi na pinandidirihan ng sarili kong ina.

Minsan, napapaisip ako kung hindi ba ako naging bunga ng panggagahasa, mamahalin din kaya ako ni Mama? Hindi na kaya ako magiging kahihiyan sa iniingatan niyang pamilya?

"Kung sino man ang nagpakalat no'n, sana karmahin siya!" Galit ang boses ni Mina, tulad ko ay nagulat din siya nang makita ang kumakalat na balita sa school namin.

Nang malaman ko rin 'yon, agad kong chineck ang underground website ng school namin. At doon ko nakita mismo sa front page ang pa blind item nila, na halata namang pamilya ko ang pinatatamaan.

"Pa'no kaya nila nalaman ang tungkol doon, Señorita? Eh, matagal ng binaon ang issue na 'yon," dagdag pa niya.

Wala akong ideya kung paano nalaman ng ibang tao ang usapan na 'yon. Ang alam ko lang, binayaran na nila Mama noon ang mga taong may alam, para lang manahimik sila. Pero bakit lumalabas ulit 'yon ngayon? Para ba mas pahirapan pa ako.

Nanghihinang umupo ako sa kama at niyakap ang  dalawang binti ko gamit ang mga braso.

"Natatakot ako, Mina," mahinang sambit ko.

Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.

"Señorita, wala naman po kayong dapat ikatakot. Wala naman po kayong kasalanan." Pero ano na lang ang sasabihin ni Mama kapag nalaman niya 'yon? Baka ako ulit ang sisihin niya.

"Kilala mo si Mama...Lahat isisisi niya sa akin." Nanghihina talaga ako. Bakit ngayon pa? Hindi pa nga ako nakakabawi kay Mama, bibigyan ko na naman siya ng panibagong problema.

"Sorry kung sasabihin ko man 'to, Señorita. Pero sumusobra narin po 'yang Mama niyo, kayo naman po ang totoong anak pero parang kayo pa po 'yong hindi kadugo sa trato niya sa inyo."

"B-Baka naalala niya sa akin ang ginawa sa kanya ni Papa..." Mas niyakap ko ang mga binti, saka binaon ang mukha ko roon.

"Mali parin po 'yon, hindi niyo po kasalanan ang nangyari kay Doña Isabella. Biktima lang din po kayo."

Nawalan ako ng lakas magsalita. Nilalamon na naman ako ng kaba at takot.

Hindi ko na alam kung paano ko pa haharapin ang mga tao sa school, hindi ko na yata kayang pumasok bukas.

/ / /

Wala akong choice, pumasok parin ako dahil sa dami ng ipapasa ko ngayong araw.

Married To A Roferos [Roferos Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon