Kabanata 07

1.1K 59 18
                                    

07.
Farrah

"Kasama mo na naman ang babaeng 'yan!" Galit na sinugod ako ni Dinnarah. Akmang hihilain niya ang buhok ko, ngunit napigilan siya ni Kerensa.

"Huwag mo kong pigilan, Keren!" ani Dinnarah habang hawak siya sa kamay ng asawa ko.

"Dinny, please, wala namang ginagawang masama sa 'yo si Sabel."

"Anong wala? Inagaw ka nga niya sa akin!" tinapunan niya ako ng masamang tingin. "Malandi ka, Sabel! Akala ko ba wala kang gusto sa girlfriend ko pero bakit sinosolo mo na naman siya?!"

Napayuko na lang ako.

Wala akong maisagot sa tanong niya dahil tama siya. Sinabi ko noong una na wala akong gusto kay Kerensa pero ngayon hindi ko na alam.

"Dinny, tama na."

"No! Hindi ko titigilan ang babaeng 'yan!" Ramdam ko parin ang galit sa boses ni Dinny.

Nagi-guilty tuloy ako dahil pumayag pa akong makipag-date kay Kerensa. Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman ng girlfriend nito.

Nawala sa isip ko na itanong sa asawa ko kung nagpaalam ba siya kay Dinny. Siguro'y hindi nito nasabi sa girlfriend na lalabas kami ngayon.

"S-sorry, Dinny," kusang lumabas iyon sa bibig ko. Inangat ko muli ang tingin ko at tumingin dito.

"What?" Tumaas ang isa niyang kilay. "Nag so-sorry ka dahil totoong nilalandi mo si Kerensa?"

"Dinny, hindi ako nilalandi ni Sabel. Ako ang nagyaya sa kanyang lumabas kami kaya wala siyang kasalanan. Isa pa, nasabi ko na sa 'yo ang tungkol dito." paliwanag sa kanya ni Keren, sa malumanay na tinig.

Umirap lang sa kanya si Dinny.

"Hindi ka niya nilalandi? Really? Eh, ano 'yong nasaksihan ko kanina? Ang sweet sweet niyong tingnan! May pasayaw-sayaw pa kayong nalalaman." Inis na inalis niya ang kamay ni Keren sa braso, saka siya humalukipkip. "Kita ko kung gaano kalagkit ang tingin niya sa 'yo kanina, Keren." dagdag pa niya.

"Mali ka ng iniisip. Hindi ko nilalandi si Kerensa. Sumayaw lang naman kami." Hindi ko napigilan na hindi depensahan ang sarili. Oo, mali ako sa part na pumayag akong makipag-date sa asawa ko pero ang akusahan niya akong nilalandi ko ito ay mali na. 'Di naman ako gano'ng klaseng babae.

"Shup up, Sabel! Nakita mismo ng dalawang mata ko 'yon. Hindi ko kailangan ng explaination mo." Ayaw niyang maniwala.

Yumuko na lang ulit ako at pinaglaruan ang mga daliri sa kamay.

Manahimik ka na lang, Sabel. Kahit anong sabihin mo, hindi 'yan makikinig.

"Umuwi na tayo. Please, babe." Nakagat ko ang ibabang labi nang marinig iyon mula kay Kerensa, sweet ang pagkakasabi nito niyon sa girlfriend.

"Uuwi ako, basta iiwan mo ang malanding 'yan dito! Ayoko siyang masakabay." Nauna siyang naglakad kaya naiwan kami ni Keren.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa 'kin. "I'm sorry, Sabel. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na naman siyang sumugod dito."

Bago ko siya tingnan ay pinilit ko ang sariling ngumiti. "Okay lang 'yon, sige na, umuwi na kayo ni Dinny." Gusto kong sampalin ang sarili dahil sa huli kong sinabi.

Maiiwan na naman ako.

"Ihahatid na kita," alok niya pero umiling lang ako.

"Hindi uuwi si Dinny kung isasama mo parin ako sa inyo kaya una na lang kayo." Gustohin ko mang sumabay sa kanila ay hindi pwede. Kilala ko si Dinny, dapat palaging nasusunod ang gusto niya.

Married To A Roferos [Roferos Series #2]Where stories live. Discover now