Kabanata 17

1.1K 48 11
                                    

17.
Farrah

"Huwag po kayong maniwala sa mga lumalabas sa bibig ng babaeng 'yon, halata namang desperada na siya kaya nakakapagbanta siya ng ganoon sa inyo." Gigil na wika ni Mina. Ang tinutukoy niya ay si Dinny, naikwento ko kasi sa kanya ang huling sinabi nito sa akin kahapon.

"Pero paano kung totoo lahat ang nasabi niya Mina? Hindi ko alam ang gagawin kapag biglang sinabi ni Kerensa na makikipag-divorce siya sa akin." Paniguradong magagalit si Mama, at ako ang pagbubuntungan nito ng galit.

"Hindi naman po siguro gagawin 'yon ni Señorita Kerensa." Napabuntong-hininga na lamang ako.

Kagabi ko pa iniisip ang tungkol doon; puno ng what ifs ang utak ko ngayon.

"Gusto ko po siyang sakalin dahil pinag-aalala niya kayo ng ganyan." Inis parin ang tono ng boses niya, at may pag-padyak pa siya ng paa, dahilan para mapatingin sa amin ang dalawang estudyanteng dumaan na tinaasan pa siya ng kilay. Pero 'di niya 'yon pinansin.

Kasalukuyan pala naming hinihintay si Anastasia rito sa student lounge. Kami ni Mina ang inaya niyang tikman ang mga sweets na siya ring gagawin niya, para sa sasalihang cooking contest next week. Si Kamara dapat ang taga-tikim niyon kaso wala ito, dahil dinalaw nito kasama ang parents, ang lolang may sakit sa Spain. Kaya pala matamlay ito kahapon. Kagabi lang ang flight nito, at sa susunod na araw pa ang uwi.

Tinawagan ko ito kahapon, ang sabi naman nito'y medyo umo-okay na ang kalagayan ni Abuela. Kaya hindi na ako masyadong nag-aalala kay Kamara.

Mga limang minuto rin naming hinintay si Tasia, bago siya dumating, halatang katatapos lang niyang maligo dahil basa pa ang nakalugay niyang buhok.

"Hi Sabel," bati niya sa akin nang makalapit. " I apologize for making you wait, ang tagal ko natapos mag-bake. Where's Mina?" Hinanap ng mga mata niya si Wilhelmina.

Wala na kasi ito sa tabi ko, ang sabi niya ay kanina pa siya naiihi kaya mag c-cr muna raw siya saglit.

"Nandito po ako!" Si Mina, na kalalabas lang ng comfort room.

"Magandang hapon po, Señorita Anastasia." Anito, sabay bow, na nginitian lamang ni Tasia.

"Naka-ready na 'yong food, let's go na sa culinary building." Sabay kaming tatlo na naglakad.

Nasa dulo ng campus ang building nila Tasia kaya malayo-layo ang nilakad namin.

"Ngayon lang ako nakapasok dito, Señorita, ang laki pala rito," manghang wika ni Mina, nang makapasok kami sa loob. Pareho kaming dalawa na nililibot ang paningin.

Ang tagal na noong huli akong pumunta rito, malayo rin kasi ito sa building namin. Tsaka, ngayon na lang kami nagiging magka-close ulit ni Tasia.

"Pasok kayo." Pinagbuksan niya kami ng pinto. Excited namang naunang pumasok si Mina.

"Wow! Ang bango rito, sure ako na masasarap mga inihanda niyong pagkain, Señorita!" Para siyang batang excited na kumain.

Nagkatinginan kami ni Tasia at sabay na natawa kay Mina. Ang cute kasi niya.

"You know what? Magka-ugali talaga sila ni Kam." Natatawang aniya. Sumang-ayon naman ako sa kanya.

Married To A Roferos [Roferos Series #2]Where stories live. Discover now