Kabanata 29

1.4K 67 33
                                    

29.
Kerensa

"Kerensa...Pinapalaya na kita."

I froze nang marinig ko iyon mula kay Sabel.

Did I hear it right? Pinapalaya na niya ako? Iyan ba ang reason why she wants to return our wedding ring?

"Pinapalaya mo na ako?" pag-ulit ko sa sinabi niya. I just want to make sure na tama ang narinig ko.

"Oo," pag kompirma niya, sabay iwas ng tingin sa akin. Hindi man niya pinapahalata but I can feel the sadness in her voice.

Biglang dumaloy ang kaba sa buong sistema ko. I don't know why pero para akong nalungkot sa sagot niya.

Kaya ba siya nag-iimpake ngayon?

"W-what do you mean? May problema ba, Sabel?" I swallowed, trying to clear my voice.

Para akong kinakain ng kaba ko. Natakot ako bigla sa isasagot niya.

Imbes na tingnan ako ay may mas iniwas niya ang tingin sa akin, "M-Malaya na kayo ni Dinny, wala ng hahadlang sa pagmamahalan ninyong dalawa." Mas naging malungkot ang boses niya.

"W-Wait, what? What are you talking about?" Hindi ko parin siya maintindihan kung bakit bigla-bigla niyang sinasabi sa akin ito.

May nagawa ba ako? Galit ba siya dahil bigla na lang akong umalis no'ng nasa bahay nila kami?

Hindi ko intensyon na biglang umalis na lang no'ng araw na iyon. It's just that I don't know how to respond to her since hindi ko rin naman alam kung ano ang totoo. Ayokong biglang mag jump sa conclusion na kasabwat si Dinny, dahil hindi ko pa naririnig ang side niya, up until now hindi ko pa na o-open ang topic na iyon sa kaniya dahil sa problema niya. Isa pa, I find it hard to believe na magagawa niya iyon. Matagal na kaming magkakilala, kaya alam na alam ko ang ugali niya. Hindi niya magagawang manira ng ibang tao.

"You're free now, Keren. Sinabi ko na kay lolo na makikipaghiwalay na ako sa 'yo at pumayag siya. Hinihintay ko na lang 'yong pepermahan nating dalawa." Seryosong sambit niya. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makatingin ng deritso sa mga mata ko.

"Uuwi na a-ako sa amin," dagdag niya. Tinuloy niya ang pag-iimpake. Habang naglalagay siya ng mga gamit sa maleta ay naririnig ko ang pagsinghot niya. Ilang saglit lang ay tumigil siya sa ginagawa at niyakap ang mga tuhod niya. Tuluyan na siyang humikbi. Sa bawat impit ng kanyang hikbi ay ang pagtaas ng kanyang balikat.

Para akong nasaksaktan sa nakikita ko, kaya imbes na tingnan lang siya ay lumapit na ako. Naupo ako sa harap niya nang hindi niya napapansin.

"Sabel," I called her name softly, which she pretended not to hear.

"What's with this sudden decision of divorcing me, Sabella? Ano ba talaga ang problema? Hindi ako magagalit kapag sinabi mo sa akin ang totoo." Kalmadong tanong ko.

Umayos siya ng upo. Her eyes slowly met mine, doon ko nakita ang pulang-pula niyang mga mata dulot ng matinding pag-iyak niya.

May kirot akong naramdaman sa sulok ng puso ko. Ganitong-ganito rin ang naramdaman ko noong nakita ko siyang umiiyak sa mansyon.

Married To A Roferos [Roferos Series #2]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin