Kabanata 10

1.2K 56 17
                                    

10.
Farrah

"Oh, hi Sabel!"

Napaatras ako nang makita ang nakangiting si Dinny, may hawak siyang sandok at nakasuot ng apron. Siya ang nagluluto ngayon dito sa kusina.

"Dinny? Anong ginagawa mo rito?" Sa tingin ko kanina pa siya dumating, ang dami na niya kasing naluto.

Iba't-ibang klase ng pagkain ang nakalagay sa table, animo'y may fiesta or may nag bi-birthday sa dami niyon.

"Dinadalaw ang girlfriend ko," prenteng sagot niya, binigyang diin pa niya ang pagkakasabi ng salitang girlfriend. "I hope you don't mind kung nagalaw ko itong kitchen niyo. Nagugutom na kasi si Keren kaya nagluto na ako." dagdag niya, bago ibalik ang atensyon sa niluluto.

"O-okay lang. Sige, maiwan na kita." Tatalikod narin sana ako nang magsalita siya.

"Sumabay ka na sa amin mag lunch, marami naman itong niluto ko." aniya habang naka-focus parin sa pagluluto.

Laglag ang panga ko nang marinig 'yon mula sa kanya. Si Dinny ba talaga 'to? Niyayaya ba niya talaga akong sabayan silang mag-lunch ni Kerensa?

Sa pagkaka-alala ko, ayaw na ayaw niya sa presensya ko. Hindi kaya'y pakitang-tao lang niya ito?

"Okay, t-thanks..." awkward man, ngunit nagpasalamat narin ako.

Umalis ako sa kusina at hinanap si Mina.

"Sabel!"

Nilingon ko si Kerensa na siyang tumawag sa akin.

Pababa siya ng hagdan, pansin kong bagong bihis siya at hindi naka-pambahay. Basa pa ang kanyang buhok, halatang kakaligo lang.

"Gising ka na pala, kanina pa kita hinihintay na magising." Huminto siya sa harapan ko. "Are you hungry? Nagluluto ngayon si Dinny ng lunch natin."

Umiling ako, kahit ang totoo'y nagugutom na ako. Ayokong sumabay sa kanilang dalawa.

"Hindi pa ako gutom." pagsisinungaling ko, ngunit bigla namang kumalam ang sikmura ko. Malas.

Bahagya siyang natawa. "I know you're hungry, tara sa dining area? H'wag kang mag-alala, sasabay din mag lunch sa atin si Mina." Medyo nakahinga ako ng maayos sa sinabi niya. Akala ko kaming tatlo lang ang magsasabay.

"Nasaan ba siya?" tanong ko, hindi ko mahanap-hanap si Wilhelmina.

"Naglilinis siya ngayon sa guest room, pababa narin 'yon."

"Guest room?" Ang alam ko nalinisan na ang buong bahay bago kami pumunta rito.

Parang may naalala naman siya bigla dahil sa reaksyon niya. "Um, yes. I forgot to tell you na mag o-overnight pala si Dinny. Is it okay with you na dito siya matutulog mamaya?" Para akong na-pipi, 'di ako nakasagot.

Seryoso ba siya? Nakalimutan niya yatang para sa amin lang ang bahay na ito?

Wala naman sanang problema sa akin kaso kay Lolo ang bahay na ito. What if bigla itong pumunta rito at makita niya silang dalawa na magkasama. Paano ko ipapaliwanag na may girlfriend ang asawa ko?

Walang kaalam-alam sina Lolo, pati ang parents ni Kerensa na may girlfriend siya. Kaya nga sila umaasa na mamahalin namin ang isa't-isa sa huli, dahil buong akala nila walang kasintahan si Kerensa.

Hindi nila alam na walang pag-asa ang ang arranged marriage na ito. Mahal na mahal ng asawa ko ang girlfriend niya, malabong magugustuhan niya ako.

"Sabel? Okay lang ba sa 'yo iyon?" tanong niyang muli kaya napilitan akong tumango sa kanya.

Married To A Roferos [Roferos Series #2]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें