Kabanata 04

1.5K 54 4
                                    

04.
Farrah

"Sabel, are you okay?"

Bungad sa 'kin ni Kerensa nang makita niya akong paika-ikang naglalakad papasok ng bahay.

Nakatayo siya sa may sala, hawak ang shoulder bag niya. Alalang-alala ang mukha niya habang nakatingin sa 'kin.

"Sabel?"

Si Kerensa ba talaga 'tong nasa harapan ko ngayon? Bakit siya nandito?

"What happened to your knees? Bakit may mga sugat 'yan?" tanong niya. Hindi ko namalayan na nakalapit na siya, bigla na lang siyang lumuhod at chineck ang tuhod ko.

Napakurap-kurap ako.

"Sabel? Hindi mo ba 'to pinagamot?"

Umiling lang ako.

Hindi parin ma proseso ng utak ko na nandito siya.

Akala ko next week pa siya pupunta rito, dahil 'yon ang sinabi niya sa 'kin kagabi.

Kahapon, nang makauwi ako galing sa bahay niya. Nakatanggap ako ng voice message mula sa kanya. Ang sabi niya'y may importante siyang aasikasuhin kaya baka next week pa kami magkikita.

"Saan mo ba nakuha ang mga sugat mo?" Tiningnan niya ako muli, saka siya tumayo. "Halika, iuupo kita sa sofa. Kailangan nating gamutin 'yan."

Nagitla ako nang buhatin niya ako ng parang bridal style patungo sa sofa.

"Kerensa, mabigat ako. Kaya ko namang maglakad," nahihiyang saad ko.

"Shh...nahihirapan ka na ngang maglakad."

Alam ko namang wala lang sa kanya ang bigat ko. Kung ikukumpara ang mga katawan namin, malayong-malayo 'yong akin sa kanya. Si Kerensa matangkad, nasa 5'11 ang height niya. Maganda pa ang hubog ng katawan, fit na fit. Samantalang ako, maliit na nga payatot pa.

Maingat na iniupo niya ako sa sofa.

"Thank you," nahihiyang pasalamat ko. Yumuko ako para hindi niya makitang namumula ako. Pinaglaruan ko na lang ang mga daliri sa kamay.

Hindi ko na naman alam kung bakit ako biglaang nakaramdam ng kaba.

Dahil ba ito sa presence niya?

Kinakabahan ako dahil nandito si Kerensa?

"Wait here." Naglakad siya papunta sa maid's quarter. Kukuha siguro ng medicine kit.

Wala sa sariling sinabunutan ko ang sarili.

Bakit pa niya kasi nakita 'tong tuhod ko? Dapat pala tinakpan ko 'to.

Nakalimutan kong naka-skirt nga pala ako. Hindi ko naman kasi inaasahan na pupuntahan niya ako ngayon.

"Thanks, Manang," aniya sa kausap. Rinig ko ang yabag ng mga paa ni Kerensa na pabalik na sa puwesto ko ngayon.

Inangat ko ang tingin at nakita siyang may dala ng medicine kit.

"Anong nangyari, Sabel?" Lumuhod ulit siya sa harapan ko. "Saan mo ba nakuha 'to?"

Kumuha siya ng bulak at betadine.

Hindi ko pwedeng sabihin na pumunta ako sa kanya kahapon. Kailangan kong mag-isip ng palusot.

"Sabel? Magsalita ka," malumanay niyang saad at hinihintay ang sagot ko.

"A-ano...nadapa lang ako." Pagsisinungaling ko. Kahit ang totoo'y nahulog ako sa hagdan ng bahay niya.

Bumuntong hininga siya. "Next time, mag-ingat ka na, ha?" Ginamot niya ang sugat ko dahilan para mapangiwi ako sa sakit.

"Masakit ba?" Nag-alaalang tanong niya. "Sorry, tiisin mo na lang muna."

Nahihiya na naman tuloy ako. Mali ko rin to, e. Dapat ginamot ko na lang ito kahapon.

"Sa-salamat, Keren."

Madali niyang natapos ang paglagay ng gamot sa mga sugat sa tuhod ko.

"Done, gagaling na agad 'yan."

"Thanks," pasalamat ko ulit.

"You're welcome, Sabel." Ngumiti siya at nilagay pabalik sa medicine kit ang mga ginamit.

"Bakit ka pala nandito? Akala ko next week ka pa pupunta dahil busy ka?" simula ko. Pinilit ko ang sariling hindi mautal dahil sa nararamdamang kaba.

Naupo siya sa tabi ko.

"Naalala kong may kasalanan nga pala ako sa 'yo."

Napatingin ako sa kanya.

Tipid na ngumiti siya. "I'm sorry, Sabel. Hindi natuloy ang dinner date natin last time, dahil biglang dumating si Dinny."

Ngumiti ako bago ibaling ang tingin sa sahig.

"Okay lang. Girlfriend mo si Dinny, Keren. Alam mong maiintindihan ko 'yon."

Simula nang maikasal ako kay Kerensa, ilang beses ding bigla-biglang sumusulpot sa mga lakad namin ang girlfriend niya. Halatang ayaw nitong ma-solo ko si Kerensa. Kaya hindi na bago sa 'kin ang gano'n.

"Thank you, Sabel."

"Hindi ka ba natulog dito no'ng isang gabi?" tanong niya bigla dahilan para mapatingin ulit ako sa kanya. "Wala ka kasi, 'di mo rin sinasagot ang mga tawag ko."

"Nag overnight ako sa bahay nila Kamara." Hindi ko rin pala pwedeng sabihin na nawala ang cellphone ko. Baka tanungin niya ako kung bakit nawala 'yon.

"Ahh...o-okay." Tumahimik na siya. Wala na ulit nagsalita sa aming dalawa.

Feeling ko nabibingi ako sa katahimikan.

Ano pa ba ang sasabihin ko sa kanya?

Magsasalita na sana ako ngunit naunahan niya ako. "Again, i'm sorry. Babawi ako," paghingi ulit ni Kerensa ng tawad.

"Okay nga lang, Keren." Paninigurado ko. Kanina pa kasi siya sorry ng sorry. "Walang problema sa 'kin. Hindi mo kailangang bumawi," dagdag ko.

"No, babawi ako Sabel." Ramdam ko na sincere siya. Hinawakan niya pa ang isa kong kamay na nakapatong sa legs ko.

"Sige na nga." Mapilit ka, e.

Lumawak ang ngiti niya. "Dahil hindi ka pa naman okay ngayon. Bukas na lang. Bukas susunduin kita sa school."

Kumunot ang noo ko. "Saan tayo pupunta?"

"Sa place na alam kong magugustuhan mo," sagot niya na sinabayan ng pag-kindat.

Ngumiti ako ng pilit.

Sana lang hindi na magpakita niyan si Dinny.



***

Helloooo! Tagal tagal ko po mag-update, no? Haha, sorry na po busy lang kaka-stalk sa crush ko. Chariz! Goodnight! 💓

Married To A Roferos [Roferos Series #2]Where stories live. Discover now