"Upo kayo..." sabi nito at nilahad ang upuan.

Nailanga tuloy ako ng sa katabing upuan ni Sir Zach ako nito pinaupo. Nagtaka ako lalo ng makitang pang apatan lamang ang mesang kinalalagyan namin ngayon. Bale sila Nang miriam at lola ang nasa harapan namin ngayon.

"Naku at hindi makakapunta ang iba ngayon, may kanya kanyang ginagawa...kaya tayong apat na lamang muna ang mag date, ayos lang ba sa inyo iyon?" Tanong sa amin ni nang miriam. Ngumiti ako sa kanyanat tsaka tumango.

"Ayos lamang iyon..." pagsangayon ni lola.

Umorder muna kami ng pagkain. Di ko tuloy alam kung ano ang pipiliin ko, italian restaurant kasi itong pinuntahan namin at wala naman akong gaanong alam sa mga iyon. Sina lola at nang miriam ay naguusap tungkol sa kanilang pipiliing pagkain, samantalang yung katabi ko ay busy sa pagpili habang pinaglalaruan ang kanyang lower lips.

Napansin marahil nito ang pagtitig ko sa kanya kaya naman kaagad din niya akong binalingan. "What?" Tanong niya.

Nauna akong napailing. "Ah wala..." nahihiyang sabi ko at tsaka muling itinuon ang pansin sa menu na hawak ko.

Nagulat ako ng inagaw sa akin yon ni sir zach at inusod pa ang upuan niya papalapit sa akin. Napalayo ako bahagya ng inilipit niya ang katawan niya sa akin habang itinapat sa amin ang kanyang hawak na menu.

"Ito ang specialty nila dito..." turo niya sa isang potahe.

Kung ano ano ng sinabi niya sa akin tungkol duon sa mga pagkain sa menu pero di naman ako makapagconcentrate sa pakikinig. Ikaw ba naman...tumatama kasi ang hininga niya sa may bandang gilid ng leeg ko yung sa may bandang ibaba ng tenga.

"So ano ng gusto mo?" Tanong niya na nagpabalik sa akin sa realidad.

"Ha eh..." sasagot na sana ako ng kahit na anong makita ko sa may menu ng napangisi si sir zach.

"You're not listening..." pahayag niya.

Nuon ko lang narealize na nakatayo na pala ang waiter sa gilid ng aming lamesa.

"Sofia will take same as my order" sabi nito sa waiter tsaka inabot ang hawak niyang menu.

Napakagat na lamang ako sa aking gilid na labi, everytime kasi na nandyan siya nawawala ako sa katinuan, at yon ang nakakainis sa lahat.

Busy sina lola at Nang miriam sa pagkwekwentuha ng kung ano ano kaya naman kesa mabored ay kinuha ko na lamang ang cellphone ko at tiningnan kung anong pwede kong magawa. Nakakabobo din kasi minsan yung wala kang magawa.

"Midterm na next week ah" bigla namang singit ng all time epal na si sir zach.

"Ah, opo" maiksing pagsangayon ko sa kanya.

"Malapit na din ang unang competition mo para sa university, nahihirapan ka bang imanage yung time mo?" Tanong niya na mukha naman talagang concern kahit na papaano.

"O...opo naman po" nagaalangang sagot ko sa kanya habang nakatutok ako sa aking cellphone.

Nagkakagulo kasi ang mga kaibigan ko sa group chat namin. "Mukha nga...nagagawa mo pa ngang makipagchat oh" sarcastic na saad niya sabay inom sa kanyang iced tea.

"Mga kaibigan ko po ito" sagot ko habang pinanlakihan ko siya ng mata.

Pakialamero kasi. Tsk, nakakainis pag may kasama kang ganyan. "Whatever" irap niya sa akin.

"First time kong manunuod ng University sports fest dahil gusto kong mapanuod magSwimming si Sofia" pagbibida ni nang miriam.

"Naku...hindi pa po ako ganuon kagaling kagaya ng mga swimmer ng university" pagdadahilan ko.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now