Chapter 03

1.9K 68 5
                                    



***


- 12:45 am-


-Collins Corporation-


Grey's POV



"Ang bobo mo kambal!"


"Ikaw ang bobo hahaha"


"Tanga! Kambal tayo kaya parehas tayong bobo"


"Aba, matinde! Hahaha"


"Hahaha"


Mariin akong pumikit nang naaalala ko na naman si Red, ang kakambal ko. Sa limang taon na lumipas ay walang araw na hindi ko siya naaalala. Paano ko ba siya malilimutan? Kakambal ko 'yon, magkakonektado kami. Kapag nasaktan siya, parang mas nasasaktan na rin ako. Kapag naman masaya siya, mas masaya naman ako. Basta sa bawat emosyon na nararamdaman niya, nahihigitan ko 'yon. Pangit mang pakinggan sa katulad ko pero mas mahal ko ang kapatid ko, namimiss ko na siya.


Inilagok ko ang huling baso ng alak bago ko lisanin ang opisina dito sa itinayo naming kompanya ni Red, 8 years ago. Hindi na kami dumedepende sa pera o mga mamanahin sa magulang namin dahil mas kaya naming higitan 'yon. Nakakatawang isipin na nalaman pala nila ang nangyari sa amin. Pero ang mas nakakatawa roon ay tumawag lang sila at nagsabi kung magkano ang gagastusin sa libing ni Red.


Nakakatawa diba? Parang tanggap na nilang wala na si Red, wala na ang anak nila. Anong klase silang magulang? Mga wala silang puso.


"Good Morning Sir"


"Sir, ako na ho ang magdadrive mukhang lasing na naman po kayo"


"No, I'm fine"


"Hi, Sir"


"Sir"


May iilan pa pa lang mga empleyado ko ang narito. Magmamadaling araw na rin kasi at mga ganitong oras ako umaalis sa opisina. Well, mga overtime siguro sila o tinatapos ang mga nakatambak na trabaho sa kanila.


Hinubad ko ang suot kong black coat at isinabit sa aking kanang balikat. Naiinitan na rin kasi ako epekto siguro ng alak. Niluwagan ko rin ang pagkakasuot ko ng necktie at tinanggal ang isang butones sa may bandang leegan ko para mas makahinga ako ng maluwag.


Grabe.


Hindi ko akalain na makakasuot ako ng ganitong klaseng damit. Parang naninibago pa rin ako sa lumipas na limang taon. Akala ko habangbuhay akong gangster o isang mafia member.


Hindi ko akalain na magiging ganito ang buhay ko nang mawala si Red. Ako ang lahat gumagalaw sa limang business na pinundar namin na halos wala na akong pahinga sa bawat araw. Buong magdamag lang ako sa opisina, nakaupo, at nagbabasa ng mga dokumentong ipinapasa sa'kin ng aking sekretarya.

The Cold Hearted Gangster (Season 2)Where stories live. Discover now