Chapter 09

1.7K 56 6
                                    


Day 2 of Training


-Quarter Pit-


Third Person's POV



-5:00 am-



*boor*boor*boor*


Lahat ay nagising dahil sa umugong na malakas na tunog. Ang tunog na iyon ay tinatawag na HELL SOUNDS na kung saan ang bawat tunog nito ay may kasamang kuryente upang magising ka talaga. Ang device na 'to ay mayroon sa bawat ilalim ng kamang hinihigaan nila. Tutunog lamang ito ayon sa schedule ng mga trainings. Tamad namang tumayo ang lahat na mga initiates dahil sa nararamdaman pang antok sa kani-kanilang sistema. Ang ilan ay agad nagsibangon at pumunta sa kanya-kanyang banyo para makapaghanda na.


Tinapik-tapik naman ni Jared ang triplets na katabi niya sa iisang queen size bed. Halos nagpapasalamat din siya dahil magkakasama sila sa iisang silid ayon sa gusto nilang mangyari kahit pa na ang gugulo ng mga ito matulog. Napatingin naman siya sa bumukas na pinto ng banyo sa kanilang kwarto. Nagtataka naman niyang tinuro si Aldrin na kakalabas ng banyo. "Kanina ka pa ba gising?" imbis na sumagot ang binata ay nginitian lang siya nito na ikinailing lang ni Jared, nagpatuloy naman siya sa paggising sa triplets na magkakayakap pang natutulog. "Aish! Mga tulog mantika talaga mga 'to!"


Nang magising na ang triplets ay dali-dali silang nagsi pagligo. Sila na lang kasi ang hindi pa nakabihis kumpara sa dalawa pa nilang kasama sa silid, sina Jared at Aldrin, na mga nakabihis pang training na. Ang outfit na suot ng dalawa ay may pinaghalong kulay pula at itim sa pangtaas, ang nagsisilbing vest ay may magkasalungat na kulay itim at pula at ang nagsilbing sando sa panloob ay kulay itim, may nakaburda ding maliit na pangalan nila sa kaliwang bahagi sa suot nilang vest, fitted black jeans naman sa pangbaba, itim na boots naman ang kanilang sapin sa paa. Halos magkapalit naman ng suot ang triplets dahil sa taranta, iiwanan na kasi sila ng dalawa na papalabas na ng pinto. "Wait!—jarvla (fvck) Bismuth! Can you please hurry up?!" asar na sigaw ni Antimony sa kakambal na nasa loob pa ng banyo at nagsisipilyo. "Forlat! (Sorry!) I'm done!"


PAGKABABA NG LIMA sa ground floor ng Quarter Pit ay tila nagsipag tahimik ang lahat. Ang ilan ay naging slow motion ang paglalakad at ang ilan ay napatigil sa kanya-kanyang ginagawa. Nakatutok sila sa limang bagong dating lang sa foodcourt upang mag-almusal. Nagtataka man ang triplets sa mga matang nakatingin sa kanilang lima ay ipinagsawalang bahala na lang nila ito at nagpatuloy sa paglalakad upang makapaghanap ng pagpupwesuhan.


Tingin naman ng tingin si Jared sa bawat sulok. May hinahanap kasi ang mga mata niya. Napansin naman ito ni Antimony kaya napagaya din siya kay Jared, may hinahanap rin siya.


Nang makita ni Antimony ang hinahanap ay agad siyang napatayo at tinuro ang kanyang nakita. "There she is! Prin—Arthryn!" muntikan niya nang mabanggit ang PRINCESS na mabuti na lang ay napigilan niya. Sanay kasi siyang ito ang tinatawag kay Arthryn dahil prinsesa naman talaga ito, prinsesa ng Sembrano's Palace. Ngayon, mukhang sasanayin niya nang hindi matawag ng ganoon ang dalaga dahil baka mabuko agad ito, ayon sa pakulo ni Prince Timothy na hanapin ang tagapagmana ng blood Organization. "Ja! (Yes!) Arthryn! Here! Come on!" kumaway-kaway pa si Bismuth para mapansin siya ni Arthryn na kakapasok pa lang ng Quarter Pit. Natulog kasi ito sa mismong palasyo, sa puder ng mga Royalties.

The Cold Hearted Gangster (Season 2)Where stories live. Discover now