Chapter 15

1.3K 44 11
                                    


-Bloody Red door-


Jared's POV


"Ah, shit! Gu—gusto ko nang matapos 'to!

"

"Tang*na dapat sa Bloody Green tayo pumunta, e!"


"Huwag nga kayong madaldal, naiirita ako sa inyo!"


"Bwiset! Naiihi ako!'


Napatago ako sa isang malaking bato. Marami ang pumunta rito sa Bloody Red door. Mukhang magkakarambol dito kahit anong oras. Pakiramdam ko kasi kapag nakita ako rito, ako ang pagtutulungan nila kaya kailangang mag-ingat.


Hindi ko akalain na mas malupet at mas mapanganib kapag nag-training ka ng Bloody Training dito sa Sembrano's Palace, puwedeng ikamatay mo ang mga gagawin mo kahit pa na ilusyon lang ang lahat ng ito.


Aish! Dapat pala sumunod ako kila Arthryn na nasa Bloody Orange door. Magkakasama silang lahat. Ako lang talaga ang nahiwalay sa kanila. Wala na rin akong nagawa no'n dahil tinurukan agad ako ng isang Blood Army ng injection sa leeg ko at tinulak ako kaagad sa pintong 'to.


"Nakita ko do'n banda si Jared!"


"Saan?!"


"Nakatago sa batong 'yon!"


"Syet!" nang marinig ko 'yon ay agad akong umalis sa batong pinagtataguan ko nang nakayuko. Medyo malapot din kasi ang dinadaanan ko dahil sa nagkalat na dugo sa kalupaan. Kaya, dahan-dahan lang ang lakad ko upang hindi madulas. Pero syeteness! Parang hinahatak ang paa ko pababa!

"Nakita ko na siya! Tignan niyo at tumatakas!" napalingon ako sa likuran ko at nakita kong nag-uumpisa na silang puntahan ako upang habulin. Katulad ko, dahan-dahan din silang makalakad-takbo dahil sa madulas na daanan namin na tila may pumipigil pa sa amin sa pag-alis.


Napatingin ako sa mga dinadaanan ko. Padagdag nang padagdag ang pagdaloy ng dugo sa bawat paligid.


Bumabaha ng dugo kung isasalarawan o mas magandang sabihin ay Blood Sea.


Wala na akong sinayang na pagkakataon pa at baka maabutan pa nila ako!


Ikinasa ko agad ang hawak kong Beretta Cx4 Storm at pinaputukan sila.


"Bulls eye!" nang nagsipagtumbahan na sila ay pumunta ako sa kinaroroonan nila. Hindi para makatiyak kung patay na sila kundi ay para kunin ang kanilang mga flag life. Medyo nahirapan pa ako sa pagkuha ng patay nilang katawan sa ilalim ng Blood Sea. Isama pa ang mabibigat nilang katawan kapag iniangat dahil sa mga dugong namuo at napasama sa mga damit nila na nagpabigat talaga. S'yempre, kinuha ko na rin iyong mga nakuha nilang iba't-ibang Bloody Flags. Pandagag puntos din ito. "Ayos 'to!"

The Cold Hearted Gangster (Season 2)Where stories live. Discover now