Chapter 11

1.5K 56 8
                                    


One week later


-Quarter Pit-


-Mess hall-


Third Person's POV


Dalawang daan Apatnapu't dalawa ang bilang na natitirang mga initiates. Mas lumamang ang bilang ng mga kalalakihan kaysa sa mga babae. Nahahati ang lahat sa iba't-ibang grupo. Ang ilan ay tila gusto nang manghamon at ang ilan naman ay tila walang pakialam sa iba.

Lumipas ang isang linggo. Marami ang nagbago sa pisikal man o emosyonal. Maraming nawalan, namatay at tila gusto pang tapusin ang laban na nasimulan. Hindi na sila puwede pang umatras. Kaharap na nila ang kamatayan nila, ang pagiging isang kasapi ng Blood Organization.

Natigilan ang lahat ng nasa loob ng Mess Hall o kung saan ang lugar ng kainan, nang binuksan ng mga Blood Army ang malaking entrance door ng Quarter pit. Kitang-kita ang pagliwanag ng labas dahil dito kaya agaw pansin talaga. Lalo pa nang may makita silang dalawang tao na nakatayo roon.


"Witwew! Sino 'yong babae?"


"Syet! Ang ganda no'ng babae!"


"Kayaaa! Ang Fafa no'ng lalaki! Sino kaya siya?"


"OMG! Is he new here? I wanna make friends to him!"


Marami pang reaksyon ang maririnig sa bawat paligid. Ang mga grupong walang pakialam kanina, nakiusyoso na rin at pilit na gustong masilayan ang mga bagong dating. Talagang kaagaw-agaw ang pansin ng dalawa lalo pa nang pumunta ang mga ito sa gawi ng Ice Breakers.


Sean's POV


Hindi ko alam kung bakit kakaiba mga tingin sa amin ng mga tao na narito. Lagi na lang kapag magkakasama kami, akala mo mga Kriminal kami sa mga mata nila. Hindi na nga lang namin pinapansin dahil baka hindi namin sila matantiya, baka makapatay kami ng wala sa oras.

Kaharap ko nga pala sila Grey at Dominic kapag nasa Mess Hall. Ayaw kasi nilang humarap sa ibang Initiates sa oras ng kainan, mga matatakaw kasi mga 'to. Mga baboy kumain kaya nga nakatalikod sila sa iba at nandito kami sa pinakasulok nakaupo upang walang makapansin sa amin. Iwas atensyon na rin.

Sa puwesto ko naman, kitang-kita ko ang lahat ng mga badass, mga nagmamagandang babae at kitang-kita ko rin ang grupo nila Yana, 'di kalayuan sa puwesto namin.

Susubo pa lang ako nang matigilan ako. Nakuha ng atensyon ko ang pagbukas ng malaking entrance door ng Quarter Pit. Napansin din 'yon ng iba kaya todo tingin sila sa bubungad sa pinto. Nakita namin ang dalawang tao na naroon sa likod. Nagsimula silang maglakad at hindi iniinda ang mga reaksyon ng iba habang sila ay papalapit sa amin?


PAPALAPIT SA AMIN?!


Pero... gano'n na lamang ang pagkagulat ko nang makilala ko ang isang lalaki.


Hindi ako puwedeng magkamali. S-si...


The Cold Hearted Gangster (Season 2)Where stories live. Discover now