Chapter 26

1.8K 56 62
                                    


Chapter 26

Tensyon. Iyan ang ngayong nararamdaman ng lahat lalo na ng mga Blood Armies na kung saan ay mga nakahanda sa ano mang panganib o labanan na magaganap sa mga Royalties. Hindi man nila alintana kung sino ang papanigan dahil parehas nila ito'ng pinagsisilbihan kahit pa na ang isa sa mga ito ay kinamumuhian nila. Napasipol naman si Raymond nang makita ang nakakuyom na kamao ni Arthur habang katapatan nila si Nathan na nakangiti sa kanila ng ubod tamis. Iniwas na rin ni Nathan ang tingin niya sa kapwa Royalties na nasa harapan niya saka itinuon ang pansin sa dalawang grupong nagsisimula na ng laban. Sina Arthur naman ay pumuwesto na sa katabi ni Nathan para masaksihan ang magaganap na Blood Determination.


Dalawang grupo. Parehas determinadong manalo. Sino kaya ang magwawagi?


Halos pagpawisan na sina Grey at Jared sa paghatak sa lubid na kanilang hawak-hawak kontra sa kalaban na humahatak din sa lubid, sina Rycko at Damon. Basang-basa at ngayo'y nangangamoy ang kanilang kasuotan. Nilalabanan nila ang amoy sa sarili at ang lubid na pilit inaangkin. Nasa unahang parte ng linya sina Damon at Jared, mga kapwa masasama ang tingin sa isa't-isa.


Nakayakap naman sa beywang ni Jared si Arthryn gamit ang kanang kamay nito. Ang kaliwang kamay ng dalaga ay may hawak na Katana saka nito pinupuntirya ang kalaban na si Agatha na nakahawak lamang sa damit ni Damon at may armas na baril, na may anim na bala.


Tinukod ni Arthryn ang armas mula sa harapan niya saka binalanse ang sarili, hinatak ng kaonti ang katawan ni Jared upang makasabay sa kaniyang gagawing kilos para atakihin ng sipa sa sikmura si Agatha. Nabigla man si Jared sa ginawa ni Arthryn ay agad din siyang nakabawi nang biglang hinatak ng malakas ni Damon ang lubid dahil sa atakeng ginawa ni Arthryn. Gumanti naman si Jared ng malakas na hatak at ubod lakas ding ni-bend ang sarili kaya nahatak din niya si Arthryn. Naalerto naman si Arthryn nang magpaputok sa may paanan niya si Agatha na mabuti't naiwasan niya sa tulong ni Grey gamit ang kaliang kamay nito na pinanghatak sa dalaga.


"Be careful, princess" ani Grey na tinanguan lamang ni Arthryn saka humawak sa balikat ni Jared sa unahan. Muli niyang isinasiwas ang Katana gamit ang kaliwang kamay saka tinapatan ang tatlong pagputok ng baril ni Agatha sa kaniya. Pagkatapos ng atakeng ginawa ni Agatha gamit ang baril, humawak din siya sa lubid, sa may unahan ni Damon saka niya sinipa-sipa si Arthryn. Bawat pagsipa ni Agatha ay siya namang ginagantihan ng pagwasiwas ni Arthryn sa katana niya na iniiwasan ni Agatha saka nag fly kick sa mukha ni Arthryn. Hindi ito inaasahan ni Arthryn kaya napaatras siya at mabilis naman siyang nahatak ni Jared kaya't hindi siya napabitaw sa katawan nito.


Nainis si Arthryn sa atakeng ginawa ni Agatha kaya gumanti siya ng atake na paniguradong hindi inaasahan ng kalaban. Lumipat si Arthryn sa kanang puwesto ni Jared na kasalungat ni Agatha na nasa kaliwang puwesto ni Damon. Nagtaka naman sina Jared sa ginawa ng dalaga pero hinayaan na lamang niya ito. Umabante rin si Arthryn sa puwesto ni Grey saka iwinasiwas ang katana saka mabilis na hinagis papunta sa direksyon ni Damon. Hindi ito inaasaahan ni Damon dahil ang labanan lamang na magaganap ay sa dalawang babae lamang. Dahil sa labis na pagkabigla ay ang isang kamay ni Damon ay bumitaw at sinangga ng braso nito ang katanang papalapit sa kaniya at isinentro paiwas sa kaniya.


Sa ginawang iyon ni Damon ay tila nakuha ni Jared ang gustong gawin ni Arthryn kaya't napangisi siya saka mabilis at puwersahang hinatak niya ang lubid nila Damon at tuluyang napunta sa kanila.


"Damn!" ani Damon saka masamang tiningnan si Jared na nakangiti ng nakakaloko. "That's what we called... genius strategy." Binelatan pa ni Jared si Damon kaya mas lalo ito'ng naasar.


Nakuha naman ng lahat ang atensyon ni Prince Nathan nang magsalita. "That's a good technique. You made me proud, Arthryn," aniya saka pumalakpak ng tatlong beses. Hindi naman na siya pinansin ni Arthryn at ito ay sumunod sa dalawang lalaki na ka-trio niya na nasa gilid.



Naramdaman naman ni Nathan ang sama ng tingin na ipinupukol sa kaniya ng katabi, si Arthur. "Back off... or you will face death."

Napataas naman ng dalawang kamay si Nathan saka natawa. "What? Hahaha. Pinuri ko lang siya, anong masama ro'n? And besides, the definition of death is me. And I proudly to say that I already meet my death..." iniwas na ni Nathan ang tingin kay Arthur saka muling ibinaling ang atensyon sa susunod pang mga maglalaban na trio.


HINDI naman makapili ng maayos ang Da Silva Brothers kung sino ang representative ng grupo nila ang lalaban. Napapailing na lamang si Antimony sa kakulitan ng kaniyang dalawang kakambal na sina Bismuth at Argon na kapwa gusto magpakitang gilas sa kalaban.

"Ugh, Tiny, I want to fight with that jerk not Argon!" ani Bismuth saka hinatak ang namamawis na braso ni Antimony. Napabitaw naman kaagad si Bismuth nang maramdaman ang lagkit ng braso ng kapatid. "Ewww it's so freaking disgusting!"


"No, Antimony! I'll be the one to fight with that asshole and I assure you that within 2 minutes the game is over," nagmamayabang pang winika ni Argon saka taas baba pa ang kilay. Napangiwi naman si Antimony sa dalawang kakambal.


"Stop twinnies... whether you like it or not, I'll be the only one to fight with those brat." Napangisi pa si Antimony sa reaksyon ng dalawang kapatid. Mga nakanganga at talagang natigilan. Magsasalita na sana si Bismuth nang biglang tumunog ang bell.


"Let's go brothers... let's fight and win this blood."


Someone's POV


Napangiti ako sa lahat ng nangyayari. This is all my plan! And I will do everything para hindi masira ang plano ko. Lalabas at lalabas din ang mga kulo niyo sa katawan. You can fool those idiots but not me, I'm smarter than you.

"Why are you smiling? You are so creepy!" napasulyap ako saglit sa katabi ko nang ibinulong niya ito. Naging magaan ang pakiramdam ko dahil kinakausap niya ako but in a scret way at baka mahalata ng aming kalaban.

"I'm happy because in the end of this fucking game, I know I can always win. No matter how hard the situation is, if you truly love someone... you wouldn't give up but instead you will fight for it. I know I'm not the best for that treasure but I'm trying my best to get what's mine." Alam kong napangisi siya sa sinasabi ko. Pero anong magagawa niya? Angkinin niya na ang lahat pero hayaan niyang mapunta sa akin ang matagal ko nang iniingat-ingatan kahit na nagkaproblema kami noon.


"Paano kung may makalaban ka sa tinuturing mong kayamanan?" napangisi rin ako sa tanong niya. Hmm... paano kung may kumalaban sa aking kayamanan? Simple lang...


"They actually fight with the monster..."

***

BambieWp (J.Grado)

PLEASE! VOTE and COMMENT

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Cold Hearted Gangster (Season 2)Where stories live. Discover now