Chapter 21

1.1K 36 0
                                    



Jared's POV


Tatlong araw na pala ang lumipas simula no'ng mangyari ang hindi inaasahang patayan sa loob ng bloody maze. Maging ang mga royalties ay nagambala sa pagsasanay kaya hanggang ngayon, hindi pa nila kami pinababalik sa bloody training. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil dalawang grupo na lang ang natitira ngayon, ang Ice Breakers at kami, Ice Blockers. Bigla ko namang naalala si Gray, may bumaril sa kaniya, isang miyembro ng Filthy Memoris. Mabuti na lamang at sa balikat siya natamaan kaya't okay na rin siya ngayon. Ewan ko ba, no'ng binaril siya, parang nahabag ang puso ko. Parang tinakasan ako ng dugo nang makita ko ang pag-agos ng pulang likido sa kaniyang balikat. Mabuti na lamang at hawak ko pa ang baril saka pinaputukan sa ulo ang bumaril kay Gray. Ipinagpapasalamat ko naman na hindi ako sinuway ni Boss Arthur sa ginawa kong pagpatay sa harapan nila. Napangiti ako sa naalala. Tila isang bangungot ang araw na iyon sa akin. At ngayon, hahayaan ko muna ang sarili kong mamahinga at paghandaan ang ano mang pagsasanay na muling gigising sa amin.


KANINA pa ako hindi mapakali sa kinikilos ni Aldrin simula nang magising ako mula sa himbing na pagkakatulog ko. Hindi ko nga namalayan na nandito na sila ni Argon, ang alam ko kasi ay nasa Black Market sila at kumukuha ng mga pangangailangan nila kasama sina Arthyn. Ako lang kasi ang natira rito kanina at nagpapahinga. Umingay lang ang paligid dahil sa boses ni Argon kapag nagsasalita ng English, ang daldal.


At dahil taktika ko ang mag-observe ay nahahalata ko ang kilos ni Aldrin. Panay ang tingin niya sa phone niya saka mabilis na sinasagot ang tawag. Mayro'n din ako'ng napansin na kakaiba sa kaniya, kapag nagagalit siya parang hindi siya makahinga at nakahawak sa kuwintas niya. Ngayon naman, nawiwirduhan ako sa pagkakatulala niya. Kanina pa siya kinakausap ni Argon ngunit hindi siya nagsasalita, nakatitig lang siya sa hawak niyang phone, nang nakayuko. Kung hindi siguro ako magaling mag-obserba, malamang maiisip kong pinapakinggan niya lang si Argon sa mga sinasabi nito dahil ang totoo, nakatulala siya sa phone niya.


Napaiwas naman ako ng tingin nang umangat ang ulo ni Aldrin at napansin kong nakatingin na siya sa akin. Napasipol naman ako saka napasandal sa kinauupuan kong sofa. "Drin, where are you going?" rinig kong tanong ni Argon. Sinulyapan ko lang si Aldrin na papalabas na ng pinto. "Just go around and exercise." Napanguso naman ako sa sinabi niya. Ewan ko pero iba ang kutob ko sa kung saan siya pupunta. Parang may nag-uudyok sa akin na sundan siya. At dahil naniniwala ako sa kaguwapuhan kong sundan siya, tumayo na ako saka nag-unat. "Jared, are you also leaving?" nag-wave lang ako ng kamay kay Argon. "Why you guys always leaving me alone? Jag forstar inte (I don't understand)." Kahit na natatawa ako sa sinabi ni Argon ay ipinagsawalang-bahala ko na lang at tuloy-tuloy sa paglabas ng kuwarto naming grupo.


Sa pagsunod ko kay Aldrin, napunta kami sa bloody north. Ang lugar na kung saan, walang nagbabantay na kahit sinong blood armies dahil sa lugar na ito, kahit na may magpatayan, walang makakarinig dahil bukod sa malayo ito sa ibang paksyon, pribado rin ito'ng lugar. Sinasabing haunted building ang north system. Napapalibutan kasi ang north ng iba't-ibang gusali na talagang kinakatakutan. Ang sabi-sabi pa nga, sa lugar na ito ay maraming namatay dahil sa bloody war. At sa susunod pang pagsasanay, siguradong mapupunta rin kami rito upang maging karapat-dapat na maging isang parte ng orgnisasyon.


Napahinto naman ako sa isang tagong pader na medyo hindi kalayuan kay Aldrin dahil sumulyap-sulyap siya sa kaliwa't-kanan niya pati sa likod. Siguradong nararamdaman niya na may sumusunod sa kaniya. Sumilip pa ako nang kaonti para makita ko kung ano na ang ginagawa niya. Pero nanlaki ang mata ko nang hindi pa rin niya inaalis ang tingin dito banda sa kinatataguan ko. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o talagang tinanguan niya ako at nginitian. What was that? Magpapakita na sana ako kay Aldrin upang magtanong nang makita kong may mabilis na pumunta sa puwesto ni Aldrin. Halos hindi ako makagalaw sa kinatataguan ko nang masaksihan ko iyon.

The Cold Hearted Gangster (Season 2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें