Chapter 23

1.2K 37 0
                                    



Third Person's POV


MABILIS kumalat ang kagimbal-gimbal na balitang sinapit ng kapatid ni Knoxx na si Joxx sa Blood Sincerity. Lingid sa kaalaman ng karamihan na sa test na iyon ay tila alam ng kalaban kung paano maglaro, umiwas upang hindi maisiwalat ang lihim na alam na alam ni Joxx at kung papaano magbawas sa alam nilang makakasagasa sa mga plano nila. At dahil sa nangyaring iyon, hindi natuloy ang Blood Sincerity dahil biglang nagshut down ito at hindi na magagamit pa.


MAS naging kompirmado sa isip ni Sean at Dominic na may kumakalaban na naman sa Blood Organization. Bukod sa mga naunang hinuha nila, nagkaroon ng panibagong diskusyon sa isip nila patungkol sa pagkamatay ni Joxx sa mismong sasabihin na nito ang mga lihim. Si Gray naman ay tila nakaramdam na rin ng kaba sa nabalitaang pagkamatay ni Joxx.


NAGPUPULONG ngayon ang lahat ng Royalties. Kasama pa nila ang mga magagaling na assassin ng kanilang mga sariling mafia organizations. Hindi rin nawala sa pagpupulong ang mga batikang miyembro ng mafia. Nasa kalagitnaan pa sila ng diskusyon nang biglang tumunog ang warning bell ng buong training ground. Halos mataranta naman ang mga blood armies sa narinig. "What's the warning sounds for?" pagtataka ni Justin saka kinuha ang kaniyang MyKrono ZeWatch-isang klase ng relos na makakapagpadala ng mensahe sa lahat ng Blood Armies. Siya na kasi ang namamahala ngayon sa mga Blood Armies simula no'ng dumating sila ng Ice Blockers. "Blood come in, Blood. This is the Chief Officer of Blood Armies and I wanna ask if what's wrong with the warning sounds?" umilaw naman ang relos ni Justin tanda na ang mensahe niya ay na-received ng mga armado. "Yes, Chief. This is the leader of Red Blood Armies and about the warning sounds, it's because... someone is here...." magtatanong pa sana si Justin kung sino ang tinutukoy na 'someone' nang biglang magbukas ang malaking entrance ng Bloody West dahil sa pagsabog. "Fuck. Sino mapangahas 'yan?" halos mangilabot at mapaatras naman ang mga nasa loob ng Bloody Wests sa narinig na malamig na boses ni King Arthur. Nakaupo lang ito sa gitna ngunit blanko ang tingin sa mismong sumabog na entrance door. Ang katabi naman sa kanan ni King Arthur ay si Timothy na tila sasabog na sa inis. Si Ken naman ay nakatingin sa mini CCTV monitor nito sa kaniyang tablet. At sina Marvin at Raymond ay kapwa nakikiramdam lang sa susunod na mangyayari.


HINDI NAMAN MAPAKALI ang mga Blood Armies sa kakaharang. Gusto man nilang magsumbong sa mga Royalties ay hindi maaari dahil ang mga ito ay nagpupulong. At isa pa, bakit sila matatakot kung iisa lang naman ang dahilan ng lahat ng ito? Nagsanay rin naman sila ng Bloody Training kaya bakit sila panghihinaan ng loob samantalang nag-iisa lamang ito?


Humarang naman ang leader ng Red Blood Armies na si Qaeyon sa harap ng bagong dating na panauhin kuno. "It's been 5 years... bakit ka pa bumalik? Guguluhin mo naman ba si King? Ang Mafia?" hindi naman nakitaan ng kahit ano'ng ekspresyon ni Qaeyon ang kausap. Nakatitig pa rin ito sa kaniya at tila binabasa ang isip niya. "Is it your way to welcome me? I'm STILL the part of Royalties 8. And whether you like or not, I'm still your PRINCE. Got that?" napakuyom naman ng kamao si Qaeyon sa narinig. Hindi man niya gustong galangin ang lalaki ay wala siyang magawa. Tama kasi ito, parte pa rin ito ng mafia. Napatingin pa siya sa mga kapwa Blood Armies na nakatutok ang mga hawak na baril sa kausap. Tumango pa si Qaeyon saka nagbigay galang. "Please forgive me... Prince Nathan." Sa sinabi ni Qaeyon ay nagsibabaan ang mga baril na nakatutok kanina kay Nathan at mga nagsiluhod. Napangisi naman si Nathan saka tinapik ang balikat ni Qaeyon bago lagpasan.

The Cold Hearted Gangster (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon