Chapter 22

990 35 6
                                    



Third Person's POV


"My parents..." halos pabulong na sambit ni Gray na tama lang upang marinig ng mga Royalties. Nagsuot naman ng headset si Arthur dahil gusto niyang mas mapakinggan ang ano mang sasabihin ni Gray kahit na naka-loudspeaker pa ito at maririnig din ng iba. "Tell us about your parents," tanong ni Ken na naka-microphone pa. "My Father's name is Black Valentine Collins. He's half British and half Spanish. He's the leader of Colors Society. Colors society is not just a charity for poor people, orphanages and any volunteer organization. The other side of Colors Society is really controversial. Controversial means a lot of disagreement or argument about something in public. Si Dad ay kasapi rin ng Blood organization ngunit dahil sa pagkakamali, siya ay napatawan ng parusa na manirahan sa Bloody Island. Ang Bloody Island ay isang Isla na kung saan doon tinatapon ng Blood Organization ang mga taong nagtataksil, may malaking pagkakautang o mga kasaping walang maitutulong sa organisasyon. And yes, nakatira na ro'n si Dad sa loob ng walong taon na. Makakalabas lang siya sa Bloody Island kapag siya ay patay na. Sa Blood Organization kasi, once na nakagawa ka nang mali, panghabambuhay na 'yan lalo na't mabigat ang ginawa mo. Tumatak na ito sa lahat ng kasapi." Saglit na napahinto si Gray saka napatingin kay Jared na nakikinig. May nakatutok pa rin na baril sa ulo nito at may suot na goggles. "Paano napunta si Black sa Bloody Island? Simple lang. Pinagtaksilan niya ang pamilya Sembrano. Nakipagsabwatan siya sa mortal na kaaway ni King Arthur. At ako, kami ng yu-yumao kong kakambal... ang papalit sa kaniya." Sa narinig nila mula kay Gray ay nagsipagsinghapan sina Jared at Alyana. Hindi maipahiwatig ni Jared ang kaniyang nararamdaman. Alam niyang patay na ang kakambal ni Gray pero tila pati siya ay naaapektuhan sa kapwa Initiates. "When it comes to my Mom, siya ay si Rose Vjitvoung Sandoval. She's half Thai and half Filipina. Si Mom ay isang Diamond ng Colors Society. Diamond means is a symbol of purity, love, strength and fidelity. Kung ang Blood ay may tinatawag na Special Jewel na ang ibig sabihin, pinapahalagahan nila o pinoprotektahan ang bagay o tao na 'yon, nilalayo nila ito sa Mafia, gano'n din sa amin, si Mom ay walang alam sa other side ng Colors Society, basta siya lang ang naghahandle ng mga charity."


Sa paglalahad ni Gray about sa parents niya ay biglang may nagpop-out sa utak niya. "My secrets" Bigla namang nag-iba ang kulay ng sphere, ang kaninang kalmadong paligid ay naging madilim. May namamataan na ring nagkikislapang kuryente sa mga wires na papalapit kay Gray. "Tell us your secrets, Gray Collins," si Timothy saka mas sumeryoso ang kaniyang tingin sa monitor. Si Gray naman ay napahinga nang malalim saka napapikit. "What's my secrets..." sa mahinang bulong nito ay biglang mas uminit sa kinatatayuan niya. Papalapit na rin nang papalapit ang wires at hindi nga nagtagal, sumundot na sa kaniya ang kuryente. "Ugh! Shit, shit!" halos hingal na hingal si Gray nang maalis sa kaniya ang wires kaya napabuga siya ng hangin. "Okay... one of my secrets, naiinggit ako kay Red, my twin brother, kasi hindi naman maiiwasan 'yon, eh. Naiinggit ako kasi na sa kaniya palagi ang atensyon. Tahimik lang kasi ako, siya kasi panay kuwento no'n sa Parents namin. And yes, muntik ko nang mapatay kakambal ko no'n, noong mga taong sampung taong gulang kami. Sinadya ko siyang itulak noon sa hagdanan namin. Nakita iyon ng mga kasambahay namin pero pinagbantaan ko sila na i-sikreto 'yon. At dahil sa pangyayaring 'yon, sa maniwala't kayo sa hindi, nawalan ng alaala si Red and it's because of me. Sa pangyayaring 'yon, pinilit kong maging okay kami ni Red at hindi nga nagtagal, nagkasundo kami. Natutunan ko nang pahalagahan ang kakambal ko. Pero ang kapahamakan na naranasan niya nang dahil sa akin ay hindi ko na sinabi at nanatiling sikreto." Hindi maiwasan ni Gray ang maiyak sa ginawang nagpahamak sa kaniyang kakambal. Rinig na rinig ang kaniyang hagulgol sa buong sphere at ng mga taong nasa labas nito. Ang mga armado naman ay nangamba dahil sa narinig na iyak ni Gray, na dapat ay hindi ipinaparinig lalo na't kaharap ang Royalties. "Iyon lamang po..."

The Cold Hearted Gangster (Season 2)Where stories live. Discover now