Chapter 18

1.2K 43 4
                                    



Sean's POV


"Ano na kayang nangyayari sa loob? May nanalo na kaya?" Napatingin ako sa gawi ni Prince Tim na kausap si Prince Justin. "Hindi ko alam. Kita mong walang monitor, diba?"


"Hehehe o'nga! Tsk." Nailing kong inalis ang tingin ko sa kanila. Kita naman na parang kinakabahan ang dalawa sa kung ano nang nangyayari sa loob base sa bawat pananalita nila.

Magdadalawang oras na rin pa lang walang ilaw dito sa Devil's Pentagon. Halos pagpawisan na rin kaming lahat dahil sa nawala rin ng kuryente sa lugar. Hindi ko naman maaninag ang kinalulugaran ni Boss dahil medyo madilim na sa kinauupuan niya. Si Prince Ken naman ay medyo nakikita ko naman dahil na rin sa kaputian nito. Nakita kong kinakalikot niya ang phone niya. Si Prince Raymond naman ay napatayo kaya ang atensyon ng lahat ay nasa kanya. "Sa'n punta mo?"


"Restroom." Napasingkit ang mata ko sa paghawak ni Prince Raymond sa kanyang ulo. Nang makalabas na siya ay kaagad na rin akong tumayo upang sundan siya. "O, sa'n punta?"


"Iihi. Sama ka?" Napasimangot naman si Grey saka pinaalis na ako.



Jared's POV


Napakunoot noo akong napatingin sa isang babae na hindi kalayuan sa kinapupuwestuhan ko. Papunta na sana ako kay Arthryn kaso nakita ko itong babae. Hindi ko masyadong makita ang itsura niya dahil sa buhok nitong nakaharang kaya inayos ko ito. Halos mapanganga naman ako sa babaeng kaharap ko.


Ang ganda niya.


"Mi-miss?" Tinapik-tapik ko pa ang mukha niya para magising pero walang epekto. Inulit-ulit ko pa ang ginagawa ko hanggang sa mapansin ko ang unti-unti nitong pagdilat ng mata.

Nabigla naman ako sa mabilis niyang pagtayo mula sa pagkakahiga ko sa kanya sa hita ko. Napataas pa ako ng dalawang kamay dahil sa baril na hawak niya at itinutok sa'kin.


Saan nanggaling ang baril niya?


Weird.


"Don't. Touch. Agatha." Ikinasa niya ang hawak niyang baril kaya sunod-sunod ang paglunok ko ng laway. Hindi naman ako takot mabaril ng babaeng 'to o kahit patayin niya pa ako. Ang ikinababahala ko lang, si Arthryn. Baka kung ano nang mangyari sa kanya.

"Miss? Ibaba mo 'yan ha-ha-ha," unti-unti pa akong lumalapit sa kanya para maagaw ko ang hawak niyang baril.


"Don't. Touch. Agatha."


"Don't. Touch. Agatha."


"Don't. Touch. Agatha."


Nagtaka naman ako sa pag-uulit niya ng pangalan niya. Nakakarindi. At, akala ko iyon lang ang ikakataka ko, bukod pa pala 'yon. Ang kaninang kulay black na mata niya ay naging green. "Don't. Touch. Agatha."

The Cold Hearted Gangster (Season 2)Where stories live. Discover now