Chapter 12

1.4K 48 6
                                    


-Quarter Pit, Boys Dormitory-


Room 314, Ice Breakers


Sean's POV


Hindi ko alam mga napapansin ko. Hindi dapat ako mangamba ng ganito lalo na sa mga kasamahan ko. Pero, anong magagawa ko? Baka maulit na naman ang nakalipas na limang taon, ang trayduran sa grupo.


Pero, shit lang. Alam kong walang mangyayaring ahasan sa grupo namin ng Ice Breakers.


Sana...


Napatingin ako sa wall clock. Medyo late na rin pala kaya maagang nakatulog si Grey, napagod kasi ito kanina sa pagsasanay ng katana. Medyo nasugatan nga rin siya, e. Kaya, nagpahinga kaagad pagkatapos magamot ni Dominic.


And. Speaking of Dominic, katabi ko siya ngayon, wala lang, siya na lang kasi ang kasama kong gising dito, e. Siya kasi ay nagla-laptop pa at hindi ko naman gustong makiusyoso sa ginagawa niya, hindi ko kasi maintindihan ang mga nireresearch niya. Pang doctor, e.


Te-Teka... may napapansin rin kaya siya katulad ko? Malakas din kasi itong makaramdam katulad ko, e. Matanong nga.


"Nick... may napapansin ka ba?" napakunot-noong napatingin naman sa'kin si Dominic. Halatang nagtataka sa tanong ko. "Anong mapapansin ko?" so, wala talaga siyang mapapansin? Sabagay, simula kasi no'ng dumating si Damon, mukhang timang na 'to at hindi na marunong makiramdam sa paligid. "Wala. Sige na, punta na ako sa kama ko at matulog ka na din, Tol"


"Sige, goodnight" pagkasagot niya nito ay shinut-down na rin niya ang laptop niya at nagtakip ng kumot.


Bago ako dumiretso sa kama ko ay muli akong napatingin sa kanila.


Kila Damon at Miss Agatha.


Hindi ko akalain na sa nakalipas na limang taon ay may makakarelasyon si Damon.


At ang babaeng katabi niya ngayong matulog ay walang iba kundi ang babaeng papakasalan daw niya.


(Flashback)


Lahat ng atensyon ay nasa amin. Nakakatawa mang pakinggan pero nahihiya ako sa atensyon na nagagawa ng dalawang 'to, sina Damon at 'yong kasama niyang babae. "Yo! Damon... welcome back," si Dominic 'yan at napasulyap sa babae. Napatango lamang si Damon at hinawakan sa beywang ang babaeng kasama niya.


Woah! Hokage.


"Ice Breakers. This is Agatha Ruiz... my future wife" sabi pa nito at kasabay no'n ay ang paghalik niya sa babae. Nabigla pa kami sa sunod niyang sinabi.


"And she is our new member of Ice Breakers"


The Cold Hearted Gangster (Season 2)Where stories live. Discover now