Chapter 17

1.1K 45 7
                                    

***

Someone's POV


Ininom ko ng diretsyuhan ang hawak kong brandy nang makita ko si Agatha na mabilis kumilos papunta sa kinaroroonan ni Arthryn. Napangisi pa ako nang nawawala ang mga signal ng mga monitor sa bawat madadaanan ni Agatha, mga monitor na kung saan ay pinapanuoran ng mga Royalties. Paano ko nalaman? Simple lang. Nakakonekta ako sa kanila... na hindi nila namamalayan.


Masasabi kong malaki ang nagbago sa mga machineries ng Blood Organization. Masasabi ko ring ang pagbabagong iyon ay napakalaking katangahan.


Napangiti ako.


Hindi ko akalain na madali na namang napaloob sa laro ko ang lahat ng nasa Sembrano's Palace. "Masaya ka na ba?" napangisi ako sa tanong niya. Hindi ko akalain na magkasama pa rin kami ngayon. Ang saya lang na hindi niya ako iniwan sa kabila ng mga paghihirap na dinanas niya sa'kin. "Oo. Sobrang saya ko. ikaw ba?"


Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Kailan ka ba titigil? Hindi ka pa napapagod sa ginagawa mo? Hindi ko na kaya... please lang, itigil mo na 'to." Napatayo ako at nilapitan siya. Kitang-kita ko ang malaking pagbabago sa itsura niya at sa kanyang pangangatawan. Kung dati ay napakamisteryoso niyang tignan, ngayon naman, masasabi kong trumiple ito at hinaluan ng mapanglarong awra. "Hindi mo ako mapapatigil kahit anong gawin mo. Tandaan mo... hindi ang katulad ko ang susuko sa labang nasimulan ko na. Hindi ako ang susuko kundi ang Blood Organization."


"Tanggapin mo nang hindi mapupunta sa'yo ang buong Mafia!" napangisi ako sa pagsigaw niya sa'kin. hindi ko na sana aabalahin pa ang ginawa niya nang dugtungan niya pa ang sinabi niya. "Mas magaling siya sa'yo. Bakit hindi mo na lang tanggapin ang lahat? Makipagbati ka at mapapata—


Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa kanya. Pero, hindi siya natinag. Hindi siya tinablan. Pinagtawanan lang niya ako. Naramdaman ko naman ang paghapdi ng aking kamao. Tinignan ko ito. Nakita kong nagsugat ito at unti-unting nagsisilabasan ang mga dugo rito. "Umalis ka na bago ko pa matuluyang mapatay ka."


"Kapag pinatay mo ako. Mamamatay ka rin haha. Saka paano mo maipagpapatuloy ang binuo mong paghihiganti kung wala na ako?" Napatitig ako sa kanya. Ang kaninang kalmadong itsura ay ngayong nagiging malademonyo na ang awra. Nakakapangilabot. "Tama ka. Dapat sa'yo ang mapunta ang buong Mafia. Dapat sa'yo iyon at hindi sa kanya. Ikaw ang mas magaling, ikaw ang mas nararapat na maging Boss. Tutulungan kita... tutulungan kita." Napangiti ako sa sinabi niya at gano'n din siya.


Tumalikod na ako sa kanya at muling umupo sa kaninang inuupuan ko. Nagsalin pa ako ng alak saka ipinagpatuloy ang panunuod sa ginagawa ni Agatha. Kinuha ko naman ang smartphone ko at saka kinonek ang signal sa babae. Nang ma-access nito ang identification code ko ay sinimulan ko nang utusan ito. "Give your all best to win this Bloody Stages. Talunin mo si Arthryn kung ayaw mong sirain kita." Agad namang nagliwanag ang dalawa niyang mata, nilabas niya rin ang dagger na nakatago sa pulso nito at mas binilisan ang kanyang pagtakbo upang hindi mapatakan ng isang patak ng asidong ulan.



Third Person's POV


The Cold Hearted Gangster (Season 2)Where stories live. Discover now