Chapter 25

900 30 2
                                    


Chapter 25

Someone's POV


Tanaw ko mula rito ang buong syudad sa aking kinalalagyan. Napakalaki na ng binago ng syudad na ito simula noong matapos ang Mafia war. Ang giyerang inilunsad ng isang kitikiti na pinatulan naman ng isang uod.


Hindi ko akalain na mapapadali ang plano ko sa tulong niya. Isang katulad niyang nalunod sa malalim na pag-iisip at imahinasyon. Akala ng lahat ay siya na ang pinakanamumuno upang wasakin ang Blood Organization. And yes, ako ang nagnanais na wasakin ito, upang baguhin at mas gawing agresibo ang organisasyon.

Well, hindi nila alam, isa lamang siya sa mga predator na tauhan ko at napapaikot ko para sa isang tinuturing niyang kayamanan na nais niyang makuha. Isang kayamanan na hinahangad niya... ang nag-iisang kayamanan ng aking pinamumunuan. Lahat ay nakaayon sa plano. Ang kamuhian siya, ang patayin ang mga sagabal, mga humaharang sa daraanan ng aming mga pawns, at mga mahihinang nagbabalat-kayo. Napakatalino rin ng batang iyon, ang laki ng kaniyang ginugol upang palabasin ang mga uod na nagtatago lang sa isang lungga. Mga nagkukunwaring sunod-sunuran pero ang totoo... naghahanda ang mga ito sa papalapit na greatest mafia blood war. Hindi nila alam, nakaplano na ang lahat. Sinasakyan ko lang ang trip ng batang iyon dahil napapabilib niya ako. Kalokohan mang isipin pero sa daming nagsakripisyo ng dugo, balewala lang sa kaniya basta't mailigtas niya ang mga taong pinapahalagahan niya. Wala siyang pakialam kung baliktarin siya ng kalaban o ano mang isipin sa kaniya. Ang mahalaga, magawa niya ang nais niya.


Limang taong lumipas, kinupkop ko ang batang iyon upang mapalakas pa niya ang puwersa niya. Hindi ko siya tinutulungan upang pag-awayin silang magkakaibigan. Tinutulungan ko siya dahil gusto ko ang nais niyang tapusin bago niya talikuran ang pinagkasunduan. Kung tutuusin, nararapat nga ang batang iyon para maging Mafia Boss. Isang matalino, malakas at madiskarteng nilalang. Pero hindi niya ginawa, nagparaya siya, sa kabila ng inggit at papuri sa isa, hinayaan niya iyon at siya ang nagsakripisyo sa lahat. Hinayaan ko siyang patayin ang lahat sa nakalipas, hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil may punto ang kaniyang katwiran kahit pa na kadugo ko ang ilan doon. Mahirap man paniwalaan pero hindi siya nasisiraan ng bait. Katulad nga ng kinahangaan ko sa kaniya, isa siyang madiskarteng nilalang.


Sa tagal na ng panahon na namumuno ako, wala pa ni isa ang pumasa sa panlasa ko pero papalapit na ang batang iyon at ang King sa laro. Tumatanda na yata talaga ako kaya kailangan kong maglibang-libang. They are all my testers to prove that they are willing to be part of my pawns, na kung saan, sa bagong paglunsad ng grupo, masasabi kong karapat-dapat sila. And like what they call it, it's a blood game. Hinahayaan ko lang siyang kumilos sa gusto niyang mangyari pero kapag turn ko na, tatapusin ko na rin ang nasimulan niya. Masyadong marami ang nababawasan sa mga pawns ko kaya dapat nang limitahan ang pagbabawas at baka manalo siya.


This is just a game kahit na ang King nila... isa sa mga tauhan ng aking sariling laro. Pero ang larong ito ay makakatulong din sa kanila, upang mas mapalabas ang kulay ng bawat isa. I want to end all of these not totally their lives, but their power. Napangiti ako sa gusto kong gawin. At kailanman, hindi ko pagsisihan na magiging abo na lang sa susunod ang organisasyon. Katulad ng ginawa ko sa bata, nakikipaglaro din ako sa kalaban niya. See? Ang saya dahil napapalabas ko ang mga baho nila.


"Sir? Someone is looking for you outside," ini-wave ko ang kamay ko sa aking secretary upang malaman niyang susunod ako. Nakatalikod kasi ako sa kaniya saka nakaharap sa glasswall. Inayos ko rin ang kurbata ko saka napahinga ng malalim at tumayo.

The Cold Hearted Gangster (Season 2)Where stories live. Discover now