Chapter 6

2.1K 68 6
                                    


***

Third Person's POV


Malapad ang ngiti ni Sean habang pababa sa second floor, galing kasi siya sa kwartong tinutuluyan ni Arthryn, kahit pa na sinaraduhan siya nito ng pinto, at hindi pinatapos ang gusto niya pang sabihin sa dalaga.


Magpapakilala kasi dapat siya.


Hindi natuloy dahil sa pagsarado ni Arthryn.


Dahil din sa bagal niya magsalita.


Kaya ang ending, sawi ang pagpapakilala niya.


Hindi naman niya ikinalungkot pa 'yon dahil ang mahalaga, siya daw ang unang nakita ni Arthryn sa umaga, balak niya pang ulitin sa susunod, ang bumungad sa umaga ng dalaga.


"Mas lalo siyang gumanda pero umangas nga lang ang dating niya. Still, she's MY Yana... my one and only girl in my heart" sabi pa nito. Kumaliwa siya ng daan patungo sa dining hall upang makapag-almusal na.

 Kumaliwa siya ng daan patungo sa dining hall upang makapag-almusal na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang dining hall ng palasyo ay triple pa sa isang normal na bahay. Ang buong disensyo ay nababalutan ng mga nagkikislapang kulay ginto sa paligid, brownish color sa sahig at yellowish naman sa may kisame. Ang pinakaagaw pansin doon ay ang napakahabang lamesa na may dalawang 10 wheeler truck ang haba na pinagdikit. Kulay ginto ito na siyang pwedeng paggamitan bilang salamin dahil ultimo ang sarili ay masisilayan mo dahil sa kintab na taglay nito.


Naabutan niya doon ang pitong prinsipe na animo'y mga nagpapakiramdaman lang. Malayo ang mga ito sa pinanggagalingan ng ibang naroon na opisyal ng Blood Organization. Nakita niya rin doon sina Dominic, Grey at Jared na mga nagtatawanan. Kinawayan naman siya ni Dominic nang makita siya nito. Pagkaupo niya ay sinulyapan niya si Red. Napangiti na naman siya dahil sa natuklasan niya.


Kumpirmado. Walang duda.


Nahinto ang lahat sa mga ginagawa nang makita nila ang padating.


Ang mga tagasilbi ay agad napayuko upang bigyan ng paggalang ang taong 'yon.


Maging ang mga opisyal na nasa hapag kainan ay tumayo upang magbigay galang.


Taas noo namang dinaanan lang ni Arthryn ang mga nagbibigay galang sa kanya. Blanko lang ang ipinapakita niyang ekspresyon sa lahat maging sa mga prinsipeng nakangiti sa kanya, patungo sa malagintong lamesa upang kumain.

The Cold Hearted Gangster (Season 2)Where stories live. Discover now