Chapter 1

3.9K 90 19
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



***


-Stockholm,Sweden-


Arthryn's POV


"Sorry na Princess, ginagawa ko lang naman ang trabaho ko, e."


"Hindi ako updated na bodyguard ka nang manyak ka"


"Aray, masyaket"


*glare*


"Sorry na"


I flipped my hair in front of him pagkatapos ay tinalikuran ko na siya. Kapag hindi pa ako umalis ay baka hindi ko na siya matantiya at masaktan ko pa siya. "Princess!"


*glare*


"Isa pang sunod mo sa'kin masasaktan na kita" at tuloy-tuloy na akong pumasok sa kuwarto ko. Nakakairita talaga kapag palaging may nakikialam sa mga gusto mong gawin. Alam kong nag-aalala sila Daddy A at Kuya Brent pero sobra na, nakakasakal.


Nahiga ako sa kulay pink kong kama na hindi ko rin alam kung bakit Barbie ang disenyo nito. Halos buong kuwarto ko ay masyadong pambabae na kulay pink, may mga bulaklak at 'yon nga, Barbie lahat. Napapailing na nga lang ako sa tuwing makikita ko ang lahat ng 'to. Gustuhin ko mang ipatanggal kay Daddy ang lahat ng 'to ay pinagbabawalan ako ni Kuya Brent. Minsan nga naisip ko na si Kuya ang may-ari ng kuwartong 'to dahil palagi siyang bumibili ng Barbie at dini-display sa aking cabinet na punong-puno ng mga manika at Barbie doll.


Para hindi na mas lalong masira ang araw ko ay kinuha ko na lang ang laptop at magbobrowse na lang sa facebook. Pagkabukas ko ng facebook account ay halos mapamura na naman ako sa daming notification, messages at friend request na naroon. HIndi ko na nga lang pinapansin dahil naiirita ako sa kanila. Katulad kasi ni Kuya Brent ay attention hater ako, ayokong napapansin ako pero kahit anong gawin ko ay pansinin na talaga ako.


Napapasimangot na nga lang ako kapag maraming bumabati sa'kin na hindi ko naman kilala. Ewan ko ba, parang may nagsasabi sa utak ko na " Don't talk to strangers" awtomatiko naman na huwag makipag-usap talaga sa mga hindi kilala pero parang may boses akong naririnig kapag sinasabi ko ito.


Ang weird, diba?


Nang magsawa akong magbrowse sa facebook ay nag offline na rin ako. Nagbukas na lang ako ng radio at nag manual search ako ng isang Fm radio station sa Pilipinas. Ewan ko ba, nakatira kami dito sa Europe pero ang palaging hanap ko ay mga OPM at hindi ko rin pala alam na hindi ko alam, kung bakit marunong o nakakaintindi ako ng tagalog? Kapag naman tinanong ko si Daddy A at Kuya Brent sasabihin nila na "Half Filipino tayo, tinuruan kang mag tagalog" pero bakit gano'n? Parang wala akong maalala?

The Cold Hearted Gangster (Season 2)Where stories live. Discover now