Chapter 20

1.3K 35 8
                                    



Dominic's POV


ISANG linggo na rin ang lumipas nang malagay kami rito sa Bloody Maze. At sa tatlong araw, halos pagod ang nararamdaman namin minu-minuto. Hindi namin akalain nila Sean na malaki ang pagbabago na ginagawa rito sa bloody maze. Bawat tatlong oras na lilipas, bubukas ang pader na nasa gitna at doon lang kami may pagkakataon para makapaghanap ng daan palabas sa maze na ito. Pero syempre, hindi gano'n kadali dahil may mga creatures kaming makakalaban. Kaya habang walang bumubukas na pader, may mga pagsasanay kaming ginagawa at katulad nga ng inaasahan, si Boss Arthur ang gumagabay sa amin sa bawat pagsasanay na iyon.


Tinatawag ito'ng bloody military program. Ito ang training na kung saan katulad sa mga sundalo ang ginagawa namin. Nandoon iyong may aakyatan kami at paunahan sa pagbaba. Mayro'n ding lulusong kami sa putikan at may kailangang hanapin kami base sa nabunot naming papel. At sa bawat pagsasanay na iyon ay inoorasan ang bawat kilos namin. Ang maganda lang sa pagsasanay ngayon dito, walang pinapatay dahil ikaw mismo ang papatay sa sarili mo.


Sa isang linggo na namamalagi kami rito, may bilang na limang Initiates na ang nagpakamatay rito. Iyong ilan ay hindi kinaya ang natamong aksidente kaya namatay na rin. At sa bawat na namatay na iyon, ilalagay namin sila sa isang compartment, na kung saan doon dinadala ang mga pagkain namin. Hindi ko alam kung pasasalamatan nga namin no'n si Arthryn, paano ba naman, pinabago niya ang rules. Ang rules na kung saan na dapat ay mag-aagawan kami sa pagkain. Pero syempre, iilan lang kami ang nakakaalam no'n, ang Ice Breakers at ang Ice Blockers lang ang nakakaalam sa ginawa niya. Kaya ngayon, dinadalhan na lang kami ng pagkaing almusal hanggang hapunan pero limitado lang. Bukod kasi sa pagsasanay namin sa pisikal at emosyon, sinasanay rin kaming mag-diet. Yes, sinasanay kaming mag-diet para raw kaya naming buhatin ang katawan namin sa mga bloody task.


NAPABALIK ako sa huwesiyo nang marinig ko ang pagbukas ng pader. Medyo malayo kasi ako sa mga kasamahan kong sina Sean at Grey dahil nasa may tent silang dalawa at mga nanunuod sa mga nagsasanay ng combat shooting. Ako naman ay nakatambay sa ilalim ng puno, isang punong walang buhay na kung saan ang kahoy nito ay puno ng armas sa looban, mga rifles. Napaayos naman ako ng tayo ay tumungo sa kinalulugaran nila Grey. Nang makita nila ako ay tinuro nila ang pader na nakabukas na. ang mga Initiates naman na malapit do'n ay mga may hawak ng iba't-ibang armas saka tuluyang lumabas ng kampo. Nang tuluyan na ako'ng nakalapit sa kanila ay inabutan pa ako ni Grey ng Gatorade. Magtatanong sana ako kung saan niya 'to kinuha kaso natigil ako dahil biglang nagsalita si Sean. "Huwag muna tayo lumabas, feeling ko kasi may ibang mangyayari."


Napatitig naman ako sa bukas na pader. Medyo sunod-sunod na ang lumalabas do'n na Initiates at iilan na lang kaming narito sa camp. Ang grupong Filthy Memoris, Ice Breakers at ang grupo nila Arthryn na Ice Blockers. Ilang minuto pa ang lumipas nang makita namin ang hindi inaasahang pangyayari. "Shit, shit!" napatayo kaagad sina Sean at Gray mula sa pagkakaupo saka hinanda ang kani-kanilang armas. Lahat kami ay tutok sa pagsarang muli ng pader, kakabukas pa lamang nito pero magsasarang muli na dapat ay tatlong oras muna ang lilipas. Kinutuban ako ng kaba. Hindi dahil sa mga Initiates na maiipit sa pagsara ng pader o sa pagkawala-wala nila sa maze, kundi sa tatlong grupong matitira sa bloody camp.


Tiningnan ko ang grupo ng Filthy Memoris, gaya namin ay nakahanda na rin ang kanilang armas. Ang grupo na ito ay may estilong mga nakapinta ang kanilang mga mukha. May pintang gaya ng mga clown pero kakaiba ang sa kanila, nakakatakot talaga hindi nakakatuwa. Napataas naman ako ng kilay nang mapansin ko ang pagngisi ng isa sa kanila, lima kasi sila at gaya namin, puro sila lalaki. Hinanap naman ng mata ko sina Zylan at Agatha.

The Cold Hearted Gangster (Season 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant