Chapter 14

1.3K 52 4
                                    


-3 days later-



Jared's POV


"Ito na ang huling araw niyong pagsasanay dito sa Devil's Pentagon. Ibig sabihin lamang nito na magkakaroon tayo ng activity ngayon, ang BLOODY STAGES. Katulad nang nasabi ko sa inyo noon, ang una ay ang Bloody Defense, ang maturuan kayo sa paggamit ng mga armas at sa huli ng pagsasanay sa Devil's Pentagon ay tinatawag na Bloody Stages, kung saan paglalabanin kayo gamit ang mga iba't-ibang armas," panimula ni Prince Marvin. Ipinakita niya naman sa lahat ang hawak niyang device na parang isang Smartphone ang hugis. "Aware naman siguro kayo na hindi basta-basta ang isang activity dito sa Bloody Training. Hindi matatapos ang isang activity nang walang nasusugatan at duguan. Wala rin sa bokubolaryo ng Bloody Training na walang naghihingalo o namamatay sa pagsasanay. Lahat ng mararanasan niyo dito ay tutulong sa inyo upang mahasa ang inyong bilis, isip at depensa sa bawat kakalabanin niyong delubyo" nakita ko ang pagpindot ni Prince Marvin sa hawak niyang device at napansin ko ang pag-iiba ng kulay ng Devils Pentagon.


"Ang dami na talagang nagbago..." napakunot-noo akong napatingin kay Aldrin na katabi ko lamang sa kaliwa."Drin, may sinasabi ka?"


"Wa-wala. Bakit?"


"May narinig kaya akong sinabi mo. Sabi mo pa nga...'Ang dami na talagang nagbago', nakapasok ka na ba dito, dati?" nakita ko ang pag-iiwas niya ng tingin at hindi rin nakaligtas sa'kin ang paghinga niya nang malalim. "Actually, Oo. Nakapasok na ako dito, noon. Pero, parang pasyal lang naman... yeah, pasyal lang"


"Talaga? Puwede pa lang mamasyal dito? Pfft"


"Bagong salta kasi si Dad sa Blood Organization then, naglibot kami sa buong Sembrano's Palace" ah, kaya pala. Napatango na lamang ako at napapokus sa harapan nang makita ko ang pagkukulay itim ng buong Devil's Pentagon.


Napasulyap naman ako sa gawi nila Grey na hindi kalayuan sa puwesto namin. Hindi nakaligtas sa'kin ang mabilis na pag-iwas ni Grey ng tingin sa'kin. Ganito naman palagi, e. Nahuhuli ko siyang nakasulyap sa'kin. Iniisip pa rin ba niya na kakambal niya ako? Tsk.


Ilang minuto pa ang lumipas.


Bumukas na ang Devil's Pentagon ngunit wala pa rin kaming nakikita mula sa loob. Nababalutan kasi ito ng kadiliman at mapapansin din ang mga nagkikislapang mga bakal sa iba't-ibang sulok. Ito 'yong sinasabi ni Prince Marvin na Blood Thunderbolt.


Napadako naman ang tingin namin mula sa likuran nang mapansin namin ang mga Blood Armies na nagsisipagluhudan.


Ibig lang sabihin nito na nandito ang presensiya ni Boss Arthur.


"Manunuod ako sa Bloody Stages" si Boss at napatingin sa puwesto namin. Narinig ko naman ang pag 'tsk' ni Arthryn sa kanan ko kaya napanguso ako. Pinipigilang matawa. "Okay, King."



Marvin's POV


The Cold Hearted Gangster (Season 2)Where stories live. Discover now