Napakagat labi ako, di ko pa nga pala alam kung sino ang pwede kong padalhan. Nagiiisip ako ng biglang dumating sina Theresa, Grace at Elayza.

"Hoy Sofia, tawa nanaman ng tawa si Sir Zach sa harap ng laptop niya, sabi na nga ba't may sayad ata iyon eh" sabi ni Elayza na ikinatawa ng aking mga kaibigan.

Dahil sa kanyang sinabi ay kaagad akong nagkaroon ng Idea kung sino ang aking pwedeng padalhan. Di naman niya malalaman na galing iyon sa akin.

Kaagad kong sinulat ang pangalan ni Sir Zach at kung saan siya matagagpuan kundi sa Medicine registrar office.

"Ate anduon po siya ngayon" nakangiting sabi ko pa.

Kaagad na tumango si ate at kaagad na ibinigay ang letter ko sa mga Mail man nila na naghahatid sa ibat ibang building.

"Ihahatid na namin now" nakangiting paninigurado niya pa.

Nuon ko lang tuloy naramdaman ang kaba, kung tama ba ang aking ginawa. Sh*t Sofia siguraduhin mong paninindigan mo iyan.

"Naks! Lakas ng loob ah!" Pangaasar nila sa akin.

Di na ako nakapagFocus pa sa sumunod naming klase pagkatapos nuon. Iniisip ko kasi kung ano ang pwedeng maging reaksyon ni sir Zach sa aking pinahatid na letter sa kanya. Isa iyong tula. Tula na ako mismo ang gumawa.

"Ano bang problema?" Mahina pero nagaalalang tanong ni Cristine kay Lyndilou.

Kaagad nilang napukaw ang aking pansin, pilit kasi nilang hindi ipinapahalata sa aming prof ang nangyayari. Namumugto ang mga mata nito at panay singhot.

"I'm not yet ready..." sabi niya sabay subsob muli sa kanyang dalawang palad. Napatingin ako sa katabi kong si Rea pero tiningnan lamang din ako nito at tsaka nagkibit balikat.

Naging mailap sa amin si Lyndi ng mga sumunod pang araw, pero di naman napagod sina Cristine at Grace na lapitan, damayan at amuhin siya.

Nakaupo kami sa kabilang side ng quadrangle kung saan kita namin lahat ng nakahelerang booth. Natatawa kami habang pinapanuod yung mga nahuhuli sa Jail booth, yung mga babaeng parang nangingisay habang nagsusulat sa kisses booth at yung mga naghihiyawan para sa kanikanilang mga kaibigang ikinakasal sa wedding booth.

"Gara ah!" Daing ni Glayn habang nakatingin kay rea na nakatanggap ng letter sa isang unknown sender.

"Hayaan mo Glayn, papadalhan kita" natatawang asar sa kanya ni theresa na kaagad naman niyang sinamaaan ng tingin.

"O kaya naman Glayn. Padalhan mo na lang yung sarili mo" dugtong pa ni Elayza na lalo naming ikinatawa.

Nasa gitna kami ng pagtatawanan ng magulat kaming lahat ng may isang lalaking nakablack hoddie at naka face mask ang lumapit sa aming pwesto.

"Hi miss, pwede ka bang pakasalan?" Diretsahang tanong niya sa akin na kaagad ko namang ikinagulat.

Imbes na damayan ako ng aking mga kaibigan ay nagtawanan pa ito tsaka ako inasar.

"Pero..." pagdadahilan ko sana pero ang mga napakaSupportive ko talagang mga kaibigan ay pinagtulakan pa ako.

Muli kong tiningnan ang lalaking iyon at mas lalong nagtayuan ang mga balahibo ko ng kumindat ito sa akin. "Sir...Sir Zach!?" Nanlalaki matang tanong ko ng mamukaan ko siya.

Bahagya itong tumango, para di mahalata ng ibang tao. "B...bakit?" Tanong ko out of now where.

"Wala trip ko lang...tara pakasal tayo" preskong preskong sabi pa niya na parang wala lang.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now