1: THE INTERVIEW

410K 2.2K 189
  • Dedicated kay keipers
                                    

IMPORTANT: Unedited at wala pang proofread itong nasa Wattpad copy. Kung gusto ninyo ng mas maayos na pagkakasulat... Bumili na po kayo ng book. Yes, published story na po siya under LIB :))

"Sometimes, on our way through the world, we meet someone who touches our heart in a way others don't." ---unknown

CHAPTER 1: THE INTERVIEW

ALARM!

Damn, the alarm clock! Kanina pa pabalik-balik at....

Kanina pa ako LATE!

Magbibihis na ako! Ay, hindi pa pala ako naliligo!

After 10 minutes tapos na ako.. Bahala na lang kayo mag imagine kung pano ko natanggal libag ko sa loob lang ng limang minuto. Naglahid ng kung ano-ano sa katawan at nagdamit sa loob ng apat na minuto minuto.. Asana yung isang minuto? Pinaghanap ko ng aking mahiwagang salamin. Di ko kayang mabuhay ng wala nito.

Bago tuluyang lumabas sa kwarto ko, tiningnan ko muna ang sarili ko.

That's it, I'm Demitria Magsaysay everyone knows. Ang Plain at mukhang masungit na babae.

Hayy.. Wala akong magagawa. Talagang plain at masungit ako.

The usual routine ng isang common employee-- Gigising ng maaga, magreready, kakain ng almusal, papasok sa trabaho, uuwi, matutulog-- Halos paulit-ulit lang.

Pero parang iba ngayon. Bukod sa tanghali akong nagising, parang ang tahimik ng kusina. Wala si Mama?

Wala siya sa sala, hapagkainan, kwarto niya.. Pero may kaluskos sa may kusina. Well, it was likely a groan. I don't know.

Lumapit ako doon. Di ko makita kasi natatakpan ng kitchen counter.

Bago ko tingnan kumuha muna ako ng milk sa ref. Tinungga ko na yung nasa karton kasi ako lang naman umiinom nito sa baha---

"PFFHT!" Naibuga ko lang naman yung iniinom ko dahil sa... "M-MA?!"

"D-demi?"

What the heck is this?! Ang aking INA, ang nagluwal sa akin sa mundong ito, ang babaeng pumipigil sa aking magkaboyfriend hanggang hindi pa raw ako tapos mag-aral..... ay nakikipaglaplapan sa sahig ng kusina namin??!

"An-ano to?" Laglag panga lang ako sa nakita ko habang yung dalawang tinitingnan ko bumabangon sa sahig at inaayos ang damit nila.

"Demi... Uhm.. This is Gardo, my boyfriend." Nahihiyang sabi ni Mama nang makatayo na sila.

"BOYFRIEND?" As in boyfriend?

Tumango lang si Mama saka tumingin kay Gardo.

"Uhmm, Demi, nice to meet you." Inextend nya ang kamay niya sa akin.

Eww! Ayokong hawakan yung kamay niya.

Napatingin ako sa pagmumukha ng lalaking ito. Boyfriend? Eh mukhang may apo na itong boyfriend niya. Sa bagay mas okay na yun kesa mas bata sa akin. Uhmm, Let me see. He's around six feet with his grayish hair, yung tipong pinipilit pa ring kulayan ang buhok para magmukhang bata. Yung mga wrinkles nasa paligid na ng mata niya at nasa noo na rin, at mukhang playboy ang Lolo. Overall, sa lahat ng panlalait ko sa kanya nalamangan pa rin yun ng kagwapuhan niya. Siguro kung ka-edad ko lang din 'to magugustuhan ko.

"Ahh, okay." Awkward niyang sabi sa akin ng hindi ko kunin yung kamay nya.

"Demitria, may sasabihin pala kami sayo." Sabi ni Mama.

"Ano yun?" I asked dryly.

"Mas mabuti siguro kung mamaya na lang." Tiningnan ni Gardo si Mama tapos ako naman. "Let's have a dinner later at Red Resto, 7pm."

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon