"Sige putangina lumapit ka! Hindi ako magdadalawang isip patayin ka!"     galit na sigaw ko. Shit! Sobrang kumukulo ang dugo ko sa babaeng 'to!




"Mas inuuna mo pa ang kalandian mo kaysa sa kaligtasan ng anak mo!"       sigaw ko pa. Hindi niya ako pinakinggan at kay Eros lang siya nakatingin habang desperadang umiiyak.




"B-balikan mo na ako please Eros.."     sambit pa nito.




Magsasalita na sana ako pero agad akong natigilan sa sinabi ni Eros.



"You killed my child Aira. You deserve to die."     tanging sambit nito at bago ko pa siya mapigilan, binunot niya ang pistol na nakatago sa likuran niya at dalawang beses na binaril si Aira.




Sobrang nandilat ang mata ko nang unti-unting bumagsak ang katawan ni Aira sa sahig..




"Eros. "      nanghihina akong humarap kay Eros pero agad niya akong niyakap.




"I heard everything...wala kang kasalanan Sera."    sambit nito kaya tuluyan nang bumuhos ang luha ko..



"Let's get you out of here."     bulong sa'kin ni Eros at inalalayan ako palabas ng silid. Nanghihina parin ang mga binti ko sa takot..




Nang makita ko si Aira na duguan kanina, bumalik sa'kin lahat ng alaala noong panahon na nawala sa'kin ang baby ko...sobrang sakit hanggang ngayon kaya hindi ko malaman kung paano naatim ni Aira hayaang mawala ang anak niya..




Hinawakan ko ang braso ni Eros para pigilan maglakad nang may bigla akong maalala..



"E-eros...si Hera. Nandito ang kapatid ko.."    sambit ko.   "Alejandro told me that he used Hera..andito siya. Kailangan ko siyang iligtas!"     dagdag ko pa.



Bibitiwan ko na sana ang damit niya para simulang hanapin ang kapatid ko pero mabilis niyang hinila ang dalawang kamay ko. Seryoso siyang nakatingin sa'kin..




"She's not the same Hera anymore..Alejandro erase all her memories, Sera. Papatayin ka niya!"    he said.



Para akong nanlambot dahil sa narinig... imposible...imposibleng patayin ako ng kapatid ko..




"N-no..hindi niya gagawin 'yon. Maaalala niya a-ako Eros.."    naluluga kong sambit. Halos magmakaawa na ang boses ko..



Paano ba nangyaring nakuha mi Alejandro si Hera? Akala ko ba nailayo siya ni Aki??



"Listen to me Sera... kaya biglang nawala si Travis noong nakaraan, it's because of your sister. Sinabi ni Aki sa kanya kung saan niya itinago si Hera kaya pinuntahan ito ni Travis..pero pagkarating niya roon, wala na si Hera. Alejandro took her...again. That's why my brother tried to trace his whereabouts. Para mahanap din ang kapatid mo.."    hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para punasan ang luha ko.




"Travis finally found this place. At nalaman niya rin kung anong nangyari sa kapatid mo. Your sister is Alejandro's killing machine. Si Alejandro rin ang dahilan kung bakit pinatay ni Hera ang magulang ko."      sambit nito at kung hindi lang ako inalalayan ni Eros ay baka tuluyan na akong napa-upo sa sahig dahil sa panghihina.




Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon