Sinulyapan ko siya at bahagyang nginitian. Ang pagkataranta sa mukha ni Alice ay unti-unting nawala hanggang sa pagod siyang bumuntong hininga.


"I just can't believe this!"     bulalas niya na para bang mas pasan pa ang mundo kaysa sa'kin.


"Relax, Alice. I can handle this don't worry.."


"But Eros dela Vega is not the guy you think he is!"    nagpangalumbaba siya sa table.


"Nakita ko kung paano siya nagalit 'nong nawala ang magulang niya Sera...he's like a demon!"


Bigla na lamang lumabas ang mukha ni Eros sa isipan ko.. a demon huh? Sobrang gwapo niya namang demonyo kung ganon?



"Have you seen him fight? He's ruthless! Muntik niya nang mapatay 'yong huli niyang nakalaban!"     kuwento pa ni Alice.


May ilang impormasyon ang alam kay Eros at alam kong hindi basta ang lakas ng lalaking 'yon. That's why he became the rank one in a short period of time. Hindi porket ibinigay sa kanya ni Travis ang ranggo niya ay wala nang binatbat si Eros sa pakikipaglaban at pinatunayan niya nga 'yon..


Lumaban siya sa huling underground battle at walang kahirap-hirap niyang natalo ang lahat ng kalahok, that's why everyone in this university is afraid of him.


Para tuloy gusto ko siyang mapanood habang nakikipaglaban.. pero kakayanin ba ng puso ko kapag nakita kong natatamaan siya ng kalaban niya? Baka sa inis ko ay makisali ako sa laban nilang dalawa!


Pero sa kabilang banda, imposibleng masaktan si Eros dahil kahit ako ay naniniwala sa kakayahan niya.


He won't be named Eros dela Vega for nothing.


"Huy Sera!"     tinapik ni Alice ang braso ko kaya nabalik ako sa reyalidad.



"Nakikinig ka ba?? Sabi ko tumakas na tayo mamaya! I don't want you to get hurt.."   she pouted. Natawa naman ako kaya lalo pa siyang nag-pout.


"Just relax Alice. Eros can't hurt me."     siguradong sagot ko.


Kahit na masama ang pagkakakilala ko sa kanya, kahit na hindi kami magkasundo 'nong una at kahit na mayroong nagawang kasalanan ang kapatid ko sa kanya, Eros can't hurt me...I can feel it. Kailangan ko lang maniwala at mag tiwala sa kanya.


"Hay nako ka! Siguro ay gusto mo na siya 'no??"


"Of course not!"     napalakas ang sigaw ko kaya napatingin ang iba naming mga kaklase.


Nginisihan naman ako ni Alice na para bang alam na ang sagot sa tanong niya. Ako naman ang sumimangot.


"I don't like him! Issue ka dyan!" sambit ko. Nagkibit balikat siya habang nakangisi parin.


"I'm telling the truth Alice!"


"Whatever you say Sera. Ipaglaban mo 'yang baluktot mong paniniwala!"    naiiling na sambit niya.


Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok si Eros. Mabilis na kumalabog ang puso ko lalo pa nang magtama agad ang tingin naming dalawa..


Mabilis ang nag-iwas ng tingin at nagpaypay ng sarili. Jusko! Bakit parang uminit bigla??


Hindi naman sinasadyang napasulyap ako kay Alice at napamura pa ako sa gulat dahil sobrang lapit ng mukha niya habang naniningkit ang mata at nakangisi.


Bloodless WarWhere stories live. Discover now