Canvas 1 - Blank

3.2K 109 9
                                    

"Leah..." Tumingin lang ako kay Mommy. "Anong balak mo?"

"Ipapaannul ko na po ang kasal namin. Isang buwan na rin naman ang nakalipas. Konting panahon nalang po Mom. Palagay ko kaya ko na siyang harapin."

"Kasalanan iyan ng Daddy mo."Tingin pa ng masama ni Mommy kay Daddy. "Tingnan mo ang nangyari sa anak mo. Sa dami ng babae na nilandi mo at pinaasa ang anak mo naman ngayon ang nakakaranas." Naupo naman si Daddy sa tabi ko.

"Ako na naman Mommy?" Napangiti ako sa mapagbirong tono ni Daddy. Balita ko nga kay Mommy ay palinkero si Daddy.

"Wala naman pong kasalanan si Daddy bakit nangyari ito sa akin, Mommy. Atsaka matino na si Daddy ngayon. Di ba sabi mo Daddy si Mommy ang nagpatino sa'yo?"

"Pinikot kasi ako ng Mommy mo, baby. Kung alam mo lang." Napangiti ako. Ang kenkoy talaga ni Daddy kaya tuwang-tuwa sa kanya si Mommy.

"Tumigil ka nga diyan, Aaron. Nandito tayo para kausapin natin ang anak mo."

"Mom, wala naman pong dapat pag-usapan. Final na po ang desisyon ko. Tama na po sa akin ang dalawang masasakit na taon." Napatungo naman ako. Binaba ko ang pinsel ko at tumayo. Kanina ko pa gustong simulan ang canvas na nasa harapan ko pero wala akong maipinta. Sino bang niloko ko. Isang buwan na akong nagsisimula ulit magpinta pero wala kahit tuldok ang canvas na tinititigan ko sa loob ng isang buwan.

"I shouldn't have agreed to that marriage. Dahil lang kasi kumpare ko iyon ama niya. Hay..."

"Dad...desisyon ko rin naman iyon. Desisyon ko na pumasok sa relasyon kasama si James at pakasalan siya. Hindi mo kasalanan."

"Hay baby...Why are you so kind? Ano bang magandang nagawa ko sa buhay at nagkaroon ako ng kasing bait at unawain mong anak?" Niyakap naman ako ni Daddy. Umiling ako.

"Kanino pa ba magmamana?" Sagot naman ni Mommy at binuksan na niya ang dala nilang pagkain.

"Ay naku ang Mommy Estelle mo ay bully noon bata kaya huwag kang magpapaniwala diyan." Natawa ako kay Daddy. Naupo na ako sa malaking couch at sumunod lang sa akin si Daddy. Matapos ay lumapit na rin si Mommy sa amin. Pinagitnaan nila akong pareho.

"You don't deserve this, Leah. You are such an angel yet..." Niyakap ako ni Mommy at ramdam ko ang paghikbi niya.

"Anak kung gusto mo ipatumba na natin si James. May kilala akong pwede--"

"Daddy." Tingin ko rito at iling. "Mommy... kaya ko. Masakit pero kaya ko. Nakatagal na nga akong mag-isa at wala kayo. Babalik rin ako sa atin. Soon. At pagbalik ko kaya ko ng harapin si James at makipagannul sa kanya. Pero sa ngayon kaunting panahon pa."

"Bakit hindi nalang kasi si Josiah." Napairap naman ako kay Mommy.

"Mom...hindi sagot sa problema ang pagdagdag ng isa pang problema."

"Josiah is a good man."

"I know Mom I know him since we're little pero alam naman natin magkapatid lang ang turingan namin."

"Daddy mo talaga ang may kasalanan nito at pinakilala sa'yo ang James na iyan! I told you Daddy si Josiah na lang."

"Ako na naman may kasalanan?"Napailing ako.

"Mommy, walang kasalanan si Daddy. Kasalanan ko rin ito. Kasalanan ko dahil hindi ko muna kinilala si James. Pero bukod doon maraming bagay Mommy pero wala sa mga iyon si Daddy. Ayoko ng manisi. Kung naghiwalay rin naman kami ni James ay partly na rin kasalanan ko. Dahil...dahil kulang ako...dahil..." Natigilan ako. Hindi ko na namalayan na may tumutulong luha sa mga mata ko. "Stop...stop fighting Mom...Dad...please."

"I am sorry baby." Yakap pa ng Daddy ko. Lalo naman akong napaiyak.

"I am sorry anak na nararanasan mo ito. I am sorry anak on how cruel this world to you. You don't deserve this. You don't." Rinig ko na ang hikbi ni Mommy.

"You prepare me for this, Mom...pero minsan kelangan ko lang talagang umiyak."

"Cry all you can tayo ngayon baby ko." Singhot pa ni Daddy. Kahit gaano talaga kasama ang loob ko meroon talagang way si Daddy para mapangiti ako kahit kaunti.

...
"And here comes the devil." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi Tina. "Of all places pa talaga. Huwag kang magpanic Leah. I am here for you." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tina. Ayokong lumingon sa likod dahil alam ko na ang pinatutungkulan niya. Masyado atang maaga na bumalik ako sa mga pamilyar na lugar sa amin dalawa pero wala naman ako magagawa dahil coffee shop ito ng bestfriend ko na si Tina.

"Tina..." Umiling ako. "Hindi naman niya tayo mapapan--"

"Tina." Natigilan ako sa boses na narinig ko. "Kamus---Leah..." Nakilala niya rin ako kahit nakatalikod ako. Naghanda na ako ng ngiti.

"Hi." Maikli kong sagot at tingin sa kanya. He looks very rugged. Mahaba na ang buhok niya at hindi na siya nag-aahit. Hindi ko pa nakitang ganito si James. Sa pagkakaalala ko sa dalawang taon na magkasama kami ay well-shaven lagi ito at mabango pero hindi na siya ngayon ganoon.

"You're back." Ngumiti ito ng malamlam sa akin. "Umuwi na tayo." Hinawakan pa nito ang kamay ko at kaagad ko iyon tinanggal. "Babe, I've missed you. Let's go home."

"Miss your face!" Tinampal ni Tina ang kamay ni James at nagulat ako roon. "Ang kapal rin naman ng mukha mo na magpunta sa shop ko at sobrang kapal ng mukha mo na akalain na babalik pa sa'yo si Leah. Ang kapal! Umalis ka nga rito kung ayaw mong magpatawag ako ng security."

"Hindi ikaw ang kausap ko, Tina. Leah, halika na. Babe, please." Aktong hahawak ulit sa akin si James pero tinampal ulit iyon ni Tina at kaagad akong hinablot sa kinauupuan ko at tinabig si James na naout of balance na akala ko pa ay matutumba dahil sa lakas ni Tina.

"Stay away from Leah! You don't deserve her!" Napalingon ako sa mga tao sa paligid at pinagtitinginan na kami.

"You stay out of this Tina! She is my wife and I have my rights to her." Lalo naman akong hinawakan ng mahigpit ni Tina at nilagay pa ako sa likod niya.

"Your wife? Naman James! Naman! Lakas mong sabihin na 'your wife' si Leah pero kung makapangbabae ka gabi-gabi at lantaran. Kapal rin naman ng mukha mo! Bumalik ka na sa Eva na 'yon at magsama kayo at hayaan mo na si Leah na mag-isa at maging masaya. Punyeta ka!"

"Tina..." Pigil ko. "Tama na."

"Sobra na kasi itong si James eh. Gago rin talaga na pangalandakan na asawa ka niya pero kung lokohin ka lantad. C'mon James! Kung hindi ka nakatikim ng masasamang salita galing kay Leah dahil sa kalandian mo pwes ibahin mo ako. Ako ang babawi para sa bestfriend ko. At gusto ko lang sabihin pu--"

"Tina!" Sigaw ko. Tumingin ito sa akin at pulang-pula. "Ta-tama na...Tina...tama na..." Nanginginig ang boses ko at di ko na mapigilan ang pagluha ko. Umiling ako sa kanya saka ako tumakbo papalabas patungong parking at mabilis na binuksan ang kotse ko. I heard my name called by them but I didn't bother to look back. Wala akong planong makita siya at umiyak ngayon pero hindi ko inaasahan ang pangyayari.

"Leah..." Sasarhan ko na sana ang pinto ng kotse ng may humarang na kamay at kay James iyon. "Leah...please...umuwi ka na. Tatlong buwan ka ng wala sa bahay...Leah." Kaagad kong pinahid ang luha ko. Nakatingin lang ako sa kanya at nagmamakaawa ang mga mata ni James. Hindi pa ito nagmaakawa sa akin ng ganito at sa itsura niya ngayon ay mukha siyang miserable.

"Kapal rin talaga ng mukha mo siraulo ka!" Sigaw pa ni Tina na humahangos patungo sa amin. Ayoko ng away at ayoko talaga ng komprontasyon.

"I am so-sorry, James. Hindi na ako babalik sa bahay. Sa susunod na makipagkita ako sa'yo ay para na sa annulment natin." Halata ko ang pagkagulat ni James at dahil doon ay nasarhan ko ang pinto. Mabilis kung pinaandar ang kotse at iniwan si James na tulala at si Tina na nagbubunganga.

Love On CanvasWhere stories live. Discover now