"Hoy." Agad kaming napatingin ng Healer sa nagsalita.
"Nandyan ka na pala."
"Ano? Tara na?" tumango naman ako nun at lumapit siya sa akin.
"Hijo, pakialalayan ng maayos si Raxelle ha. May bali ang katawan niya kaya kailangan ng maayos na pag-alalay."
"Opo Healer."
"Siya nga pala. Padalawang beses na Hijo."
"Opo nga ee. Pero Healer, sisiguraduhin ko po na wala ng pangatlo." Sabay ngiti niya. Unang beses. Yun ang unang beses ko siyang nakitang ngumiti. Pero di ako makarelate sa pinag-uusapan nila.
"Sige na. Mag-iingat kayo dun ha. Maraming mapanganib na Holder dun."
"Sige po Healer."
"Salamat po Healer. Maraming maraming salamat po."
"Wala yun Raxelle. Obligasyon kong gamutin kayo."
Ng makarating kami sa Psychiatric Infirmary, agad kaming pumasok ni Jed at hinanap kung saang section nadetain si Isabel.
"Nga pala, hinahanap ka sa akin ni Mackie. Inaraw-araw na niya ang pagtatanung kung nasan ka daw."
"Pasensiya na Jed kung napipirwisyo ka sa akin. At salamat na rin kasi hindi mo sinabi kay Mackie yung nangyari sa akin."
"Bakit nga pala ayaw mong sabihin sa kanya?"
"Sabi niya kasi, pagnaulit pa daw yung pagpapahirap sakin, lagot daw sa kanya yung gumawa. Ayoko namang may mangyari ulit kay Isabel kaya ayokong ipaalam sa kanya."
"Aa."
Infirmary Section II.
"Sir?" tumingin naman sa amin yung lalaki na nagbabantay sa section na to.
"Bakit?"
"Dito po ba si Isabel Rickman naka- detain?"
"Teka lang titingnan ko." Binuklat buklat niya yung Log Book ata yun tsaka ulit humarap samin. "Dito nga si Isabel Rickman."
Pinapasok nya na kami sa room kung saan na dun si Isabel. Nakita agad namin siya na nakaupo sa gilid ng kwarto niya. Made of glass ang walls ng rooms ng mga detainee dito sa Psychiatric Infirmary.
Dahan-dahan akong lumapit kay Isabel. Ng makita ko yung mga luha sa gilid ng mata niya pakiramdam ko nabiyak yung puso ko.
"Isabel." Pagkarinig niya ng pangalan niya agad siyang lumingon sa akin.
"Sino ka?"
"Isabel."
"Isa ka rin ba sa manggagamot sa akin? Sabi ng hindi ako baliw ee. bat ba ayaw nyo kong pakinggan."
"Hindi. Hindi Isabel."
"Ganun? HAHAHA NAGKAMALI NA NAMAN AKO HAHAHAHA." Isabel.
Naiiyak ako. Hindi siya dapat nagkaganito. Kasalanan ko lahat to.
"Isabel. Ako to si Raxelle."
"Raxelle?"
"Oo. Ako si Raxelle."
"ANONG PINAGSASABI MO?" Napaatras ako sa gulat ng bigla siyang magsisigaw. Mabuti na lang nakaalalay sa akin si Jed kundi sa lapag na naman ako pupulutin.
YOU ARE READING
Rise of the Warriors
FantasyWarriors. Yan ang tawag nila sa amin. Kilala ako bilang isang estudyanteng mahina at walang taglay na kapangyarihan na nag-aaral sa paaralan ng mga may kakaibang kakayahan. Kilala ako bilang PINAKA mahinang nilalang na naroroon. But what if a sudd...
(16) Back-out
Start from the beginning