"Syempre, just to see my beautiful daughter. Tsaka, wala naman masyadong work sa office ngayon so I deci---" at natigilan siya. Nawala ang ngiti niya.

And she frowned.

"What happened ? Umiyak ka ba ? Bakit parang kagagaling mo lang sa iyak ?"

And what else do I expect ?

Ngumiti ako. "Hindi naman po. Wala lang po ito, mommy. Bagong gising lang po ako." alibi ko.

Pero hindi yata siya naniwala sakin. Pumasok siya sa loob ng kwarto.

"Baby, bakit, ano'ng problema ? I know you cried. HIndi ganyan ang hitsura ng bagong gising. I'm afraid, baka may nangyayari ng hindi maganda. Buntis ka pa naman. Kawawa ang mga apo namin. Tell me, what's the problem ? Isa pa, nagkaka-usap ba kayo ni Jared ? Tumawag na ba siya sa yo ?"

Yun na nga eh. Tumawag siya. Pero hindi sakin. Kundi sa babae niya.

May babae po ang anak niyo, mommy.

Niloko niya ako. Niloko niya kami ng mga magiging apo niyo.

Matagal akong hindi nakasagot.

Hindi ko kasi alam ang sasabihin kay mommy Jasmine.

Kung dapat niya bangmalaman ang bagay na to.

"Celine, may problema ba kayo ng anak ko ? Tell me, ano'ng ginawa niya sa yo ? I know something's happening."

"Po ? Ah, w-wala po, mommy. Maayos po kami ni S------"

"You're lying, hija ..." at naupo kami sa kama. Nahawakan niya ang kamay ko.

"... Baby, I know you're hesitant to tell me. But if there's something wrong with Jared, kung may ginagawa man siyang hindi maganda sa yo, tell me. Hindi ko siya ipagtatanggol, alam mo naman yan, di ba ? Kahit nung mga bata pa kayo, hindi ko siya kakampihan kung mali siya. Kaya, sabihin mo na sakin. Isa pa, buntis ka na, anak. Hindi pwede yang nai-stress ka, baka may mangyaring masama sa mga babies mo. Kaya please, help yourself. I'm here to listen, tell me what's your problem."

Napalunok ako. Well, Patrice did knew it already. Pinilit niya rin akong pag-usapan namin to but I declined. Masyado kasing masakit para pag-usapan. Alam kong iiyak lang ako dahil sa nangyari, dahil sa nalaman ko.

Natingnan ko si mommy Jane, determinado siyang malaman ang nangyayari.

If I could just fake everything that's happening. Pero hirap na hirap din akong itago ang totoo. Yung magpanggap na okya lang, kasi parang sasabog yung puso ko.

I sighed.

"Mommy ..."

"What is it baby ?"

"M-May", nareceive po kasi akong ... voice message yesterday ... And, and ... i-it's a con----" at hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Damn ! Sa harapan pa ni mommy Jas, ngmumukha na tuloy akong nagsusumbong nito na hindi naman dapat.

Nayakap ako ni mommy Jasmine.

"Shhh .. Do'nt cry, baby. Don't. Tell me what Jared did."

Napayakap na ako ng tuluyan kay mommy Jasmine habang pinipilit na tumigil ang pag-iyak ko.

"I-I don't know, mommy. The voice mess-----age was about the con----versat-tion of Sha---un and, and ... h-his other woman."

***

JARED'S POV

Kanina pa ako naghihintay ng tawag ni Celine pero, hanggang ngayon wala pa rin. Felling ko may mali sa mga nangyayari. Sinubukan ko ng tawagan siya sa phone pero hindi siya sumasagot, ring lang ng ring. Sinubukan ko na ring kontakin siya sa Skype, pero offline ang account niya. Damn ! What's happening ?!

You Are Mine (Published Under LIB)Where stories live. Discover now