Chapter 14

143K 1.1K 84
                                    

Binigay sa kanya ng private investigator ang isang envelope.

"Is this what you got ?" tanong niya.

Tumango ang lalaki. "Yes, ma'am. Those documents are all about Mr. Jared Monteverde."

Natingnan niya ang investigator. Then nodded to him.

"Thank you, Mr. Carlos. You can go now." sabi niya, at lumabas na pintuan ang ginoo.

Tiningnan niya ang laman ng envelope.

Current picture ni Jared, mostly, kasama ang iba't-ibang babae.

"So ... is this what you called moving on ? Flirting with other girls ?"

Nabasa niya rin na, magiging president na ng isa sa mga itatayong bagong business ng pamilya nito ang binata.

At, may nalalapit itong engagement.

Napataas ang isang kilay niya.

"Engagement ? Seryoso ? Sa dami ng naging babae, may gana pa siyang makipag-engage ? Or is it purely business ?"

Natawagan niya ang private investigator na hinire niya.

"Why it doesn't indicate here the girl whom Jared will be engage to ?"

"Because it's not yet reveal, ma'am. But there's a rumor that, it's the daughter of a family friend. I didn't include it yet because I want to be sure of the information."

Family friend, eh ? Who's that ?

Pero hindi siya makakapayag.

"Don't worry, babe. I'll be back." and there's the evil grin on her face.

***

CELINE'S POV

Kanina pa ako nakahiga sa kama, at ayokong bumangon. Wala akong ganang kumain. Ayokong pumasok sa school. Kanina pa rin tunog ng tunog ang cellphone ko, pero wala namang message na dumadating galing sa taong gusto kong magtext.

Si James. Kahit blangkong text, wala.

Why do I have to expect ? Hindi na magbabago ang lahat. Sa sinabi ko sa kanya, alam kong masasaktan siya. At nasasaktan siya ngayon.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagtext, tumawag, nagpadala ng voicemail message sa kanya pero, wala pa rin.

Mahapdi na rin talaga ang mga mata ko sa kakaiyak. At sa tingin ko, ubos na ang mga luha ko sa kakaiyak sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko.

Gusto ko lang namang magbasakali na, mag-reply siya, telling me that he will be okay. After what happened.

Napapikit ako ulit. I know, hindi ganon kadali yon. At hindi rin ganon kadali ang pagmo-move on ko.

Hindi ko nga alam kung paano ko uumpisahan. I started missing him, kahit pa na kahapon lang ako nakipaghiwalay sa kanya.

Papasok kaya siya ngayon ? Makikita ko kaya siya ngayon sa school ?

Sana naman ... makita ko siya. Kahit hanggang tanaw na lang ako, titiisin ko na lang, makita ko lang siya.

I just hope he will be okay, soon.

Nag-ring ang phone.

Agad akong nagmulat ng mata, thinking it was James calling. Pero nawala ang excitement ko ng makitang si mommy iyon.

"Hello princess."

"Yes, mom ..."

"Kagigising mo lang ba ? Ano'ng oras ang klase mo ? 8 am na."

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon