Chapter 34

129K 1.3K 79
                                    

CELINE'S POV

Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko ngayon. Ganito ba talaga ang ikakasal ? Yes, this is the day. Nandito na ako sa harap ng salamin, while my make up artist is applying my make-up.

Hindi ko maiwasang mag-alala na baka hindi ako siputin ni Shaun at baka nagbago na ang isip niya, since dumating na si Claire.

Paano nga kaya kapag nagkaganon ?

I sighed.

"O, pretty ! Bakit ka nakasimangot ?! Smile !" sabi ng make-up artist.

Napansin niya pala. Napangiti ako ng matipid.

Hindi ko kasi maiwasang malungkot. Buti sana kung mahal din ako ni Shaun, wala akong dapat alalahanin.

Kaso, one sided love ang drama ko ngayon. Ako lang ang nagmamahal.

Naisip ko ulit yung sinabi ni Patrice. Ano kaya kung umamin na ako sa kanya ? Ano kayang magiging reaksyon niya ?

Magiging masaya kaya siya ?

Naalala ko yung mga sinabi niya nung isang araw, nung nagka-usap na naman sila ni James.

Ayaw niya kasing umuwi sa condo niya dahil naiinis ako, kaya sapilitan siyang sumama kahit na ayoko at sinabi ko na si Jason ang magda-drive para sakin.

"Baby, bakit ka ba nagagalit sakin ? Wala naman akong ginawa sa ex mo ah ! Hanggang ngayon ba, apektado ka pa rin ? Mahal mo pa rin siya ? Ikakasal na lang tayo, siya pa rin ang iniisip mo ?" naka-kunot noo niyang tanong.

Aba, kung makapagsalita, parang hindi niya ginagawa. Eh kung ibalik ko kaya sa kanya yung tanong niya, no ? Dapat sa sarili niya yan tinatanong, hindi sakin.

"Pwede ba, umuwi ka na."

"No ! Hindi ako uuwi ngayon, dito ako matutulog, at pag-uusapan natin kung bakit ka nagagalit. In the first place, hindi naman dumapo yung kamao ko sa pagmumukha niya."

"Ayokong makipag-usap sa yo !" at agad akong pumunta ng kwarto.

Ang totoo, hindi naman ako nagagalit sa kanya dahil kay James. Dahil pinarinig niya pa sakin yung kasinungalingan niya na hindi na niya ako papakawalan. Hindi na mangyayari yung 3 months na usapan namin.

Kung alam lang niya kung gaano ko ka-gustong mangyari pero alam ko rin kung ano ang totoo.

Sinundan niya ako sa kwarto, at napapitlag ako ng yakapin niya ako mula sa likod.

"Celine ... talk to me, please." at naipatong ang mukha niya sa balikat ko.

I sighed.

"Shaun ... ayoko na ng ... gulo. W-wag mo na ulit gagawin yun. Wala namang ginagawang masama si James, gusto niya lang makipag-usap."

Hayy. Hindi ko pa rin maamin.

"Mahal mo pa rin ba siya ?" at lalong humigpit ang yakap niya sakin.

"I-I ... I'm trying to ... move on." pagsisinungaling ko.

Ang totoo, hindi naman ako natatakot sa pag-amin ko, natatakot ako sa magiging reaksyon niya, at ang rejection na gagawin niya.

"Let me tell you this ..." at iniharap ako sa kanya.

Naitaas ko ang mukha ko at natingnan siya.

His face, is so serious while looking at me.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon