Chapter 10

152K 1.3K 38
                                    

CELINE'S POV

I was heading to the gym. Excited na akong makita si James. Gusto ko pa naman sana siyang isama sa welcome back party nila tita Jas para makilala na rin nilang lahat ang lalaking mahal na mahal ko. Ang kaso, mabubuko naman ako ni James na hindi naman talaga nag-business trip sila mommy. Na nagsinungaling lang ako sa kanya. Ayoko lang talagang masyado siyang mag-alala sakin.

Alam ko namang, kaya kong gawan ng solusyon ang problemang to.

As long as he's there for me. Hindi ako mawawalan ng lakas ng loob.

Pero tama ba ang nakikita ko ?

Sa may corridor ng gym, si unggoy ?!

May kahalikang babae ?!

Oh my goodness. Hindi na talaga nahiya ang lalaking to.

Naka-topless pa. Pawis na pawis. Eto namang babae, hagod ng hagod sa chest ni unggoy, kahit may pawis while they are kissing.

YUCK !

He pulled her closer while their kiss become intense.

Feeling ko na-freeze ako. Hindi ako makagalaw eh.

Hindi ko alam na ganito na kalandi itong lalaking to.

Kunan ko kaya sila ng picture tapos, ipakalat ko sa press, ng matauhan tong unggoy na to. Na hindi lahat ng lugar eh motel !

Pero kahihiyan yun nila tita Jas for sure.

I take a deep breath and then started walking towards them.

Saka ko siya sinadyang bungguin.

Mga wala man lang pakialam kung may makakita sa kanila.

And they stopped.

"Celine ?" nagulat pa yata nung makita ako.

Himala. Hindi ako tinawag na lampa.

"Pwede ba, may kotse naman, bakit hindi niyo na lang gawin sa loob yan ? .. Hindi ka man lang nahiya."

At agad akong tumalikod, without waiting his reaction.

Ang kapal talaga.

***

JARED'S POV

"Yes, mommy ?"

"Pauwi ka na ba ?"

"Opo. Mag-aayos na lang ako ng gamit. Katatapos lang kasi ng practice namin sa basketball."

"Don't be late ha. 7 pm." yung welcome party.

Napangiti ako.

"Kelan ba naman ako nalate, mommy ? Of course, kayo ang bida sa party na yun eh."

"Thanks, Jared. By the way, nagkita ba kayo ni Celine ? Magsabay na lang kaya kayong dalawa pumunta dito."

"What ? Bakit ?"

"Sabi kasi ng tita Jane mo, ayaw daw sumabay ni Celine sa kanila. Dun daw ito sa condo niya tutuloy. Para naman hindi na hassle para sa kanya."

"Seryoso ka, mommy ? As if papayag naman yun. May kotse naman yun, eh. She'll come, don't worry."

"O sige na nga. Basta dumating kayo, ha. Take care, son."

"I will mom. See you later. Bye."

"Bye, handsome."

Na ikinangiti ko. Hindi talaga nagsisinungaling ang mommy ko.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon