Chapter 23

145K 1.5K 53
                                    

CELINE'S POV

We were holding hands while we are heading to the cafeteria. All eyes were on us. Kasunod na namin sila Marcus and Jason.

Again, talo na naman ako sa kanya. Mukhang hindi na naman ako mananalo kay Shaun sa bagay na to.

Napagmasdan ko siya, his side view. Kahit naka-side view, ang gwapo pa rin. As in gwapo.

Natingnan ko rin ang kamay ko na hawak niya.

I smiled. Shaun, holding my hand makes me feel safe.

Bakit ganito ang pakiramdam ko ? Kay James, hinahawakan naman niya ang kamay ko pero, hindi ganito ang pakiramdam ko.

Why ?

Nakarating kami sa cafeteria, and Patrice waved at us. Pinuntahan namin siya.

Todo ngiti ang loka.

"Bati na kayo ?"

"Hindi naman kami nag-away, eh." sabi ni Shaun.

"Eh kasi si Celine kung makapagtago, akala mo, nag-away kayong dalawa at ang laki ng kasalanan niya sa yo."

Lumingon si Shaun, sabay ngiti ng pilyo sakin. Pang-asar talaga tong lalaking to. At hindi niya pa binibitawan ang kamay ko.

Sinubukan kong bawiin pero, mas lalong humigpit.

"What do you want, baby ?"

"Anything."

"Okay, ako ng bahala. Dito na muna kayo ni Patrice." at doon niya nabitawan ang kamay ko.

Nalingon ko siya, habang palayo sa amin.

Tss. Tapos mamaya, may babae na namang basta kakapit sa braso niya ! Hmp.

"Uy, Celine ! Baka matunaw na yang si Jared sa kakatitig mo, maupo ka na nga !"

At doon ko lang naalalang, nandito pala ang bestriend ko.

I sit beside her.

"Ano bang problema niyo ? Bakit may tagu-taguan pa kayong dalawa ? Ang taray ni Jared my loves, pinasok ka sa CR ! Hindi ka ba nirape ?"

"Patrice naman ! Why would he do that ?" ano ba naman tong babaeng to.

"Eh malay ko ba kasi kung ano'ng ginawa niyo."

"Kamuntikan niya na ngang sirain yung pinto ng cubicle ! Ikaw naman kasi, sinabi mo pa na, ayokong lumabas."

"Eh ayaw mo naman talagang lumabas, di ba ? Bakit ba kasi ?"

"Naghahabol nga kasi sa utang niya."

"Eh bakit ba hindi mo mabayaran ?"

Ang kulit talaga nito, eh. Ayaw paawat.

I sighed.

"Nagugutom na ako." pag-iiba ko ng usapan.

"Grabe, biglang change topic."

"Nandyan na yung food natin." natanaw ko na kasi si Shaun, bringing a tray of meal.

Nakangiti pa sakin yung loko. Pero may nilingon ito.

At babae na naman ! Nakita ko pa kung gaano katamis ang ngiti niya na hindi naman katulad sakin !

Napakababaero talaga nitong unggoy na to ! Sarap batuhin, eh.

"Here's the food ladies." at nailapag niya ang tray. Gentleman naman kahit papaano.

"Baby, bakit nandyan ka ? Tabi tayo." sabi ba naman ?

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon