Chapter 51

108K 1.2K 148
                                    

Kung hindi siya nagkakamali, si Celine ang nakikita niya. At kahit nagmomove on na siya ngayon dito, kabisadong-kabisado pa rin niya ang babae.

Inihinto ko ang kotse sa kinaroroonan nito. Mukhang may ginagawa ito sa kotse niya.

Agad na lumabas si James para i-check ito.

"Celine ?"

At tama nga ang hinala niya. Nalingon siya nito.

"J-James ..." gulat na sabi nito.

Hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang pangingilag nito sa kanya. Nakakalungkot, pero, mukhang kailangan na talaga niyang masanay.

"What are you doing ? ... May problema ba sa kotse mo ? Tsaka gabi na, ah. Bakit nagda-drive ka pa ?"

"Ah ... P-pupunta sana ako kila Patrice."

"Ganon ba ? ... Bakit di mo kasama si, J-Jared ?" halos hindi mabanggit ni James ang pangalan ng lalaking umagaw sa mahal niya.

"Ah ... Kasi ..."

May problema ba silang dalawa ? At bakit parang namamaga yata ang mga mata nito ? nag-away ang mga ito ?

"If you don't mind, ano'ng problema ? ... Sinaktan ka ba ng asawa mo ?" hindi na niya napigilang magtanong. Para kasing may problema si Celine, He's not used of seeing her like this. Ayaw na niya itong nakikitang malungkot.

Kaya nga sumuko na siya dahil alam niyang masaya na ito kay Jared, pero ano tong nakikita niya ngayon ?

"Ah ... Hindi. May konting, problema lang. But, don't mind it. Teka, bakit nandito ka ? What are you doing here ?"

"I'm going somewhere when I saw you. Kaya, tumigil na muna ako. Mukha kasing may problema ka sa kotse mo, eh."

"Actually, it was empty so, I need to take a taxi para makapunta kay Patrice."

"Ganon ba ? ... Sige, hatid na kita. Dun din naman ang way ko eh."

Natitigan siya nito.

"A-are you sure ?" tanong ni Celine.

He smiled. Kahit sa paraan lang na to, makabawi siya dito, okay na siya. Hindi na nga niya maiwasang matuwa ng sobra nung kinausap na ulit siya ni Celine.

Akala kasi talaga niya, nung araw na huli silang nag-usap, hinding-hindi na niya ito ulit makakausap o makakaharap man lang. Pero alam niya naman kung hanggang saan ang hangganan niya. Hindi na niya ipipilit pa kung ano'ng gusto ng puso niya. Dahil alam niya namang, wala ring kapupuntahan yun.

"Don't worry. Ihahatid lang naman kita. Ayokong doblehin ang hatred mo sakin. You hated me once, I don't have any plan of going through that, again. It's already enough to break my heart, Celine. I will never do the same mistake."

Marahan itong tumango. At matipid na ngumiti.

Pinagbukas niya ito ng pinto.

"Thankyou." mahinang sabi nito.

Papasok na sana siya sa kotse ng may mapansin siyang kislap.

Ano yun ?

Tumingin siya sa paligid, pero silang dalawa lang ni Celine ang tao, bukod sa mga dumadaang sasakyan.

"James ? May problema ba ?" tanong nito.

Nalingon niya si Celine, at agad na pumasok sa loob.

he put my seatbelt on.

"Ah, wala naman. Let's go ?"

Na ikinatango nito. Nai-start niya na ang kotse, at bumiyahe patungo kila Patrice.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon