Chapter 6

175K 1.5K 87
                                    

JARED'S POV

Pabagsak akong nahiga sa kama ko. It's my first day sa bagong university na yon. At mukhang napagod ako ng husto. Actually, wala naman akong ginawa eh. Masyado lang siguro akong napagod sa atensyon na binigay sakin ng mga estudyante kanina, especially those girls.

I sighed.

Tiningnan ko kung sino ang nagtetext. Puro unknown numbers. I opened one of those messages from the same number. 10 messages yata lahat galing lang sa kanya.

What the hell ?!

"Hey, Jared. Don't you want to see me ? Can I come to your place ?"

Napakunot-noo ako. I know she will state her name in one of her messages. Hindi naman siya nangungulit, no ?

"It's Jamie."

Ah .. I remember, the girl in the parking lot. Yung nakita ni lampa kanina. Eh kung hindi ba naman pang-asar, binusinahan ba naman kami. Eh di nagulat tuloy si Jamie. Gusto ko ngang matawa eh. Pinaringgan pa ako.

"Bakit ba haharang-harang ang mga unggoy ?" sabi ba naman ?

Humanda ka lang sakin bukas. Uulanin kita ng asar.

Napapikit ako. Hindi ko na lang muna i-entertain yung Kamie na yun. Pagod ako eh. Bakit, wala ba akong karapatang magpahinga ?

And there I saw a 5 year old Celine.

"Ano ba Shaun ! Stop it !" awat niya habang tinutok ko yung hoss sa mukha niya. Yung sa garden. :) Paano ba naman, tinatawag na naman niya akong unggoy. Nakakainis !

"Di ko to ibababa unless you'll say please."

Napaiyak na ito. Tumawa ako.

"Iyakin ka talaga ! Palibhasa, lampa ka eh !"

"Tita Jas ! ... Huhuhuhu ! Tiiitttttaaaa Jaaassss !" tawag niya kay mommy. Nandun kasi sa loob sila mommy at tita Jane, nagkukwentuhan. Mahilig kasing mag-get together yung parents namin every weekend. Kung hindi sa mansyon ng mga De Asis, dito sa bahay ang venue.

Napalabas sila mommy.

"What happened Celine ?! Why are you so wet ?!" takang tanong ni mommy.

She always love Celine. Gusto niya kasi akong magkaroon ng baby sister. But it never happened. Pero hindi naman ako nagseselos kay Celine.

Kinarga siya ni tita Jane. I felt guilty. Hindi pa rin kasi tumitigil ng iyak si lampa.

"Stop crying, baby. Tahan na." sabi ni tita Jane tapos pinunasan niya yung luha ni Celine.

Si mommy, nakapameywang na sakin.

"What did you do ?" tanong nito.

Bigla akong nag-behave. Sana wag naman akong paluin.

"Answer me Jared. What did you do ?" disciplinarian si mommy. Medyo mataas na ang boses ko.

"Jas, stop it. Baka nagkaasaran lang yung mga bata." saway ni tita Jane. Kung meron man akong tagapagtanggol, laging si tita Jane. :) That's why I love her.

"Jared ? ..." at tumaas na ang kilay ni mommy.

Natakot na ako. I dropped the hoss.

"I'm sorry, mommy. I made Celine so wet." nakayuko kong sabi.

Nagsimula akong humikbi ng paluin ng malakas ni mommy yung dalawang kamay ko. Tapos umiyak na ako ng tuluyan.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon