Chapter 45

124K 1.2K 149
                                    

JARED'S POV

Kung pasarapan lang din naman ng luto ang pag-uusapan, for sure may ibubuga ang asawa ko. Hindi mawawala sa menu niya ang favorite kong paell.

This is our first dinner, as a true couple. I mean, yes, we're already a couple, technically, but it's totally different now. May involve na kasing feelings. Totoo na kaming mag-asawa. Hindi na kami mag-asawa dahil lang sa agreement ng kanya-kanyang parents namin.

Ganito pala ang feeling ng may asawa na mahal ka. Super heaven, pramis.

"Grabe, ang sarap !" and I mean it.

Todo ngiti naman si lampa.

"Talaga ?"

"I love you. Lagi ako nitong busog dahil sa yo."

"It's my pleasure to serve you."

"Don't worry, pagsisilbihan din kita. Gagawin kitang prinsesa since, princess ka nila mommy Jane. Pero kapag may baby na tayo, hindi ka na prinsesa. Ikaw na ang reyna ng buhay ko."

Natawa siya.

"Ang korni naman ng asawa ko."

Grabe, ang sama. Korni daw ako.

"Grabe ka naman. Hindi ka ba natutuwa na ikaw ang reyna ng buhay ko ? Yung ibang babae nga dyan, nagkakandarapa na pansinin ko tapos ikaw, sasabihan mo lang ako ng korni. Nakakasama ka naman ng loob."

"O ngayon naman, ang drama." at tinawanan pa ako.

Damn ! Parang gusto kong totohanin na, nakakasama siya ng loob.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

"Shaun ? Natahimik ka ?"

Hindi ko siya sinagot.

"Uy !"

"May pangalan ako, no !"

Tumawa ulit siya.

Nakakainis naman ! Ano bang nakakatawa ?

"Ang sungit mo naman ! Eh joke ko lang naman yun, eh. Of course, masaya ako, no. Kaya wag ka ng magalit, Shaun."

"O sige, kiss mo ako." at ngumuso ako.

"Shaun, kumakain tayo, o."

I pouted.

Para kiss lang, pinagdadamot pa sakin !

"Wag na nga !"

I saw her grin. Saka siya lumapit sakin. And gave me a sweet kiss on my lips.

"Para kang bata." sabi niya na nakangiti.

I smiled.

"Baliw lang ako sa yo, kaya wag ka ng magreklamo. Basta, itutuloy natin mamaya, ha. Kung kailangan nating gawing 3 times a day yun para lang mabuntis ka na, willing akong gawin. Para naman masimulan na natin yung baskteball team ko."

"Ikaw talaga, hindi mo pa talaga nakakalimutan yung basketball team na yun ! Tsaka, nag-aaral pa tayo."

"Baby, finals na natin. And then after the next two weeks, graduate na tayo. Gusto ko ng maging daddy. Isa pa, masunurin lang naman ako sa mga oldies eh. Kaya wag ka ng magreklamo. And you know what, I don't have any regret that I listened to them. Masaya ako na pumayag akong magpakasal sa yo. I think it's the best thing that ever happened in my life."

Masarap maging expressive sa feelings mo lalo na kugn naa-appreciate ng taong mahal mo ang lahat ng sinasabi at ginagawa mo para sa kanya.

"Ako rin , masayang-masaya ako."

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon